CHAPTER IV

1.9K 97 18
                                    

AVY

HINDI pa rin kami nakakabawi ni Elojah sa pagkagulat.

Rexan was just standing behind us with a passive expression on his face.

"R-Rex..." My voice came out like a whisper.

I hesitated to stand para harapin siya.

Omg! Narinig niya! Narinig niya!

I could feel that my cheeks were heating up. Even my neck.

Panic was written in my eyes when I looked at Elojah.

'What should I do?' I tried to ask her with my eyes.

Napangiwi siya at unti-unting tumayo.

"Avy."

Sabay kaming napatuwid ng tayo ni Elojah nang marinig ulit namin ang malalim na boses ni Rexan.

"H-Ha? B-Bakit?"

Hindi ko maiwasang mautal dahil sa sobrang pagkataranta.

"Answer me," he demanded.

"A-Ano..."

Nag-iwas ako ng tingin para humingi ng tulong kay Elojah pero, pagtingin ko ay unti-unti at palihim na siyang tumatakas. She was already at the bottom of the stairs papunta sa mga rooms sa taas nang hindi ko namamalayan.

"Elojah!" tawag ko sa kanya.

Gulat na napalingon siya sa akin. Kinunotan ko siya ng noo.

She jut gave me a crooked smile before doing a V sign with her fingers.

"Ooops! Sibat na ako."

After that, mabilis na tumakbo siya pataas.

"Elojah!"

Oh my gosh! Iniwan niya ako?! Iniwan niya talaga akong mag-isa rito?

That was her fault! Lagot talaga siya sa akin mamaya!

Unti-unti kong binalik ang tingin ko kay Rexan.

I almost took a step back when I found him staring at me.

"A-Ano... Uhmm, alis na rin ako. Bye!"

Mabilis na tumalikod ako para makatakbo papuntang lab but he was faster. Nahawakan niya agad ako sa wrist ko para pigilan.

"At sa'n ka pupunta?"

I gave him a fake smile.

"K-Kitchen. Nauuhaw ako, e," palusot ko.

He smirked kaya mas lalo akong kinabahan.

"Hindi naman 'yan ang daan papuntang kusina. Doon." Tumuro siya sa may likod niya kung saan nandoon ang pinto papasok sa kitchen.

Parang gustong kong sampalin ang sarili ko ng mga oras na 'yon.

Ugh! Bakit ba kasi kitchen ang sinabi ko? Bakit hindi na lang sa lab?

"Joke lang." Tumawa ako ng peke. "Sa lab talaga ako pupunta. Tutulong ako."

"Nah. You said you were thirsty."

Naglakad siya sa kabilang direksyon and because he was holding me, nasama ako.

"U-Uy, Rex. I'm just kidding nga. Hindi ako nauuhaw. Tutulong ako sa lab."

"Yes, you are."

Nakapasok na kami sa kitchen.

Using one hand, he grabbed a glass and put it on the table. Hindi niya pa rin ako binibitawan.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon