CHAPTER XX

1.7K 79 5
                                    

ELOJAH

NAGPAMEWANG ako habang nakatulala sa puno ng mangga kung saan umakyat si Daniel.

"Bumaba ka na sabi dyan. Ang kulit mo!" inis kong sigaw sa kanya.

Katatapos lang namin kumain ng tinapay na nakalagay sa bag niya. Apat na piraso lang 'yon. Dinala niya in case of emergency daw. Hindi naman namin alam na magkakahiwalay kaming lahat kaya hindi kami nakapagdala ng mga pagkain.

Ang plano kasi, kapag hindi nahanap si Lydia kahapon, babalik muna kami sa HQ para kumuha ng mga pagkain atsaka maghahanap ulit.

Nabanggit ko lang naman na nagugutom pa ako dahil kulang talaga 'yong mga tinapay. Hindi rin kami nakakain kagabi dahil sa sobrang pagod.

Tatlo nga 'yong kinain ko dahil ibinigay niya pa sa akin 'yong isa. Binabalik ko pero ayaw niyang tanggapin. Kung hindi ko raw kakainin, edi itapon ko na lang. Gago lang. Kinain ko na lang kesa naman itapon.

Tapos no'ng mapadaan kami rito sa puno ng mangga, bigla na lang niyang nilapag 'yong bag niya at umakyat sa puno.

Hahanapin na dapat namin sina Xienna.

"Sandali lang 'to. Sabi mo nagugutom ka pa, 'di ba?" sigaw niya galing sa taas.

Kumunot ang noo ko. "Sinabi ko bang umakyat ka?"

Tsk. Ayan na naman siya sa pagiging maalalahanin niya. Kaya nag-iiba na naman 'yong tibok ng puso ko, e.

"Ang totoong gentleman, hindi na kailangan pang pagsabihan."

Napangiwi ako.

Gentleman daw. Wow, ha?

"Pag 'di ka pa bumaba dyan, iiwan na talaga kita!" banta ko.

Baka mamaya kasi malaglag pa siya. Puro sugat na nga siya, madadagdagan pa.

Ewan ko ba sa lalaking 'yon. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha 'yong lakas niya pagkatapos naming magpagulong-gulong kahapon.

Samantalang ako, tinitiis ko na lang ang maglakad ng straight at hindi paika-ika para mapabilis ang paghahanap namin kina Xienna.

Napatingin ako sa mga sugat kong may takip na gasa. Nanunubig na 'yong mga 'yon. Kailangan nang palitan.

Tiningala ko ulit si Daniel. "Daniel, ano ba? Tara na sabi!"

Sumimangot na talaga ako ng todo.

'Pag siya hindi pa sumunod, yari na talaga siya sa akin pagbaba niya.

"Oo na. Pababa na."

Pinanood ko siyang bumaba sa puno.

Buti naman. Hahampasin ko na sana 'yong mga sugat niya kung hindi pa siya bumaba, e.

"Ang kulit mo. E, kung nahulog ka?" inis kong sabi pagbaba niya.

Ngumisi siya ng pilyo sa akin. "Concern ka?"

Natigilan ako.

Bakit ba lagi na lang akong ginugulat ng Aniel na 'to simula kahapon.

Sa halip na sumagot, inirapan ko na lang siya at nagmartsa na paalis.

Kainis 'yon. Mabubuking pa 'yong nararamdaman ko dahil sa mga tanong niya, e.

"Uy, teka. Elojah, hintayin mo ako!" tawag niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Dinig ko ang tunog ng mga tuyong dahong naapakan niya dahil sa mabilis na paglakad niya.

"Grabe ka naman. Bakit ka nang-iiwan?" tanong niya nang maabutan ako.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now