CHAPTER 10: WEAPONS AND CATFIGHT

3.1K 140 22
                                    

NANG kompleto na silang lahat sa sala ay tumayo na ang dalawang leader sa gitna para masimulan ang meeting.

"Here's the plan," panimula ni Harvey. "Gagamitin natin ang van na nasa garage at ang boys ang magpapalit-palitan sa pagda-drive. Ch-in-eck na namin kaninang umaga ni Marga 'yon at full tank pa ang gasolina."

"Paano kayo nakapunta sa garage nang hindi nakakaharap ang mga zombies?" tanong ni Charles.

"May daanan sa dirty kitchen papunta sa garage," sagot ni Marga.

Napatango silang lahat sa sinabi nito.

"Na-contact niyo na ba ang parents niyo?" tanong ni Harvey.

"Walang sumasagot sa kanila," nakayukong sagot ni Fionna.

"Sa akin din," sabi ni Xienna.

Nagkaroon ng katahimikan. Hindi na kailangan pa ng mga salita upang malaman na lahat sila ay ganoon din ang nangyari. Simula pa kagabi na nakatoka silang magbantay ni Jarvi ay tinatawagan na niya ang mga magulang, pero ni isang beses ay hindi sumagot ang mga ito. Mabuti na lang at hindi nahalata ng lalaking umiiyak siya roon sa may sulok, o kung nahalata man nito ay hindi na siya pinuna pa.

"Paano kung may nangyari nang masama sa kanila?" naiiyak na tanong ni Lydia.

Nakapagpalit na ang babae ng suot maliban sa pantaaas. Nakasando pa rin ito na pinatungan lang ng blazer.

"Let's not conclude anything until we're sure what really happened. It won't help," wika ni Harvey. "For now, we will dessiminate the weapons."

Umalis ito sa harapan nila at pumunta sa isang gilid kung saan may tatlong itim na duffel bag. Pagkatapos ay bumalik ito at lumuhod sa tapat ng may kalakihang coffe table kung saan nito inilapag ang mga bags. Mula roon ay inilabas ng lalaki ang iba't ibang klase ng armas.

"Whoa! Saan niyo nakuha 'yan? Akala ko ba tatlong Glock 22 lang ang meron sa bahay ng ninong mo?" manghang sabi ni Gunther.

Nilingon ni Xienna si Elojah na katabi niya at tinanong. "Ano 'yong Glock 22, sis?"

"'Yon yata 'yong baril na ginagamit ng mga police," sagot nito.

Napatango siya at muling itinuon ang atensyon sa leader nila. Matapos mailabas ang lahat ng weapons ay tumayo na ito at hinarap sila.

"Nakita namin 'to sa basement nang maghanap kami ng flash lights at extra batteries kanina. Do you all know how to fire guns?" tanong ni Harvey.

Mas marami sa kanila ang umiling kaya ang ibig sabihin ay marami rin ang hindi marunong. Patay na, sa isip-isip ni Xienna. May mga armas nga pero hindi naman sila marunong gumamit. And it was not like they could settle for tubes and kitchen knives.

Napasapo sa noo si Harvey. "Sino lang sa inyo ang marunong?"

Nagtaas ng kamay sina Gunther, Lauree, Rexan at Daniel.

"Fine. Ako na lang ang mag-a-assign sa inyo ng mga armas na gagamitin niyo." Nilingon nito si Marga. "Where did you put the other weapons?"

"Nasa taas pa. Wait lang. Kukunin ko." Nagmamadaling umakyat si Marga sa taas at pagbaba niya ay halos mapanganga sila nang makitang may hawak itong dalawang espada at isang crossbow. Ibinigay nito ang mga armas kay Harvey.

"Jarvi, and Fionna, kayo ang gagamit nitong katana. Kayo ang marunong mag-fencing." Iniabot ni Harvey sa dalawa ang mga katana.

Natawa nang mahina si Fionna. "Harv, magkaiba ang fencing sa pakikipaglaban sa mga zombies. Hindi naman namin pinupugutan ng ulo 'yong mga kalaban namin."

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora