CHAPTER XVIII

1.7K 79 10
                                    

NAKASUKBIT sa isang balikat ni Gunther ang bag na naglalaman ng mga laboratory tools nang lumabas siya sa shop.

Halos twenty minutes lang siya roon sa loob dahil wala naman siyang nakaengkwentrong mga zombies.

Nagmadali siya sa paglalakad papunta sa sasakyan dahil ayaw niyang paghintayin si Lydia.

Pero, nangunot ang noo niya nang hindi niya makita sa loob ang babae.

"Lyd?" tawag niya.

Binuksan niya ang pinto sa passenger's seat at sumilip sa back seat dahil baka naroroon lang ang babae pero wala pa rin.

Kinabahan na siya. Mabilis niyang iniwan ang bag sa upuan at isinara ang pinto.

Luminga-linga siya sa paligid, nagbabakasakaling makita ito.

"Lydia!" tawag niya ulit dito.

Walang sumagot. Tanging ang tunog lamang ng mga dahon sa mga punong hinahangin ang bumalik sa kanya.

Nagsimula nang kumabog nang malakas ang dibdib niya.

Kinuha niya ang isang hand gun sa gilid ng pantalon niya at ikinasa ito.

"Lyd! Where are you? Come on out. Hindi na ako natutuwa. 'Wag kang mabiro nang ganyan."

Wala pa rin siyang nakuhang sagot.

Naglakad siya palapit sa isang shop pero nakita niyang naka-lock ang pinto nito kaya alam niyang wala roon ang babae.

Gano'n din ang ginawa niya sa iba pang mga shops. Ang ilan ay nakabukas at ang ilan naman ay nakasara. Pumasok siya sa mga nakabukas na shops para hanapin si Lydia pero wala siyang nakita.

"The fuck," mura niya nang lumabas siya sa huling shop na bigo pa ring mahanap ang babae.

Humigpit ang hawak niya sa baril at nagtagis ang bagang niya.

"Lydia!"

Naglakad-lakad pa siya. Dinala siya ng mga paa niya sa likod ng isang shop.

Agad siyang napatakbo nang makita ang isang bagay sa lupa.

Lumuhod siya upang kunin ang bagay na iyon. Ang baril ni Lydia.

"Lydia..."

Mabilis siyang tumayo at luminga-linga sa paligid.

"Lydia! Lydia! Nasaan ka?!"

Lalong kinalampag ng kaba ang dibdib niya.

May kutob siyang may hindi magandang nangyari sa babae. May kumuha rito. Tumakbo siya papasok sa gubat para tingnan kung naroon ang babae.

"Lydia!"

Putang ina! Nasaan na ba siya?

Naghanap siya ng kahit anong bakas na pwedeng makapagturo sa kinaroroonan ni Lydia pero wala siyang nakita.

Dahil sa pinaghalong kaba at pag-aalala ay napasuntok na siya sa puno.

"Tang ina! Lydia! Where are you?!"

Nanginginig na ang mga kamay niya sa galit dahil sa posibleng masamang mangyari kay Lydia.

He was about to go deeper into the forest when he stopped on his track.

Napaisip siya. Kung pupunta siya roong mag-isa at marami ang mga taong kumuha kay Lydia, hindi niya 'yon kakayanin at pareho lang silang mapapahamak.

Kaya sa halip na maghanap pa ay mabilis siyang tumakbo papunta sa sasakyan. Agad niyang binuksan ang makina. Babalik siya sa HQ. Hihingi siya ng tulong sa mga kasama para hanapin si Lydia.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now