CHAPTER XXVII

1.6K 83 0
                                    

ELOJAH

“Grab some weapons. When you’re ready, we’ll activate the elevation. We need to take them out. Hindi lahat pero kahit papaano ay dapat natin silang mabawasan,” sabi ni lola Letty.

Napalingon ako sa table na pinaglalagyan ng mga armas. Natuon agad ang paningin ko sa isang baril na kulay pula. Sa totoo lang, kakaiba ang mga armas na nakalagay doon dahil iba’t iba ang kulay ng mga ito.

“But lola, can’t we just run them over?” tanong ni Avy.

Bago pa makasagot si lola Letty, umalog na naman ng malakas ang sasakyan. That time, natumba na kaming lahat sa lakas ng impact.

Bumukas ang pinto at sumulpot si lolo Max. “What are you all idling for? Hurry! Kapag hindi a tayo kumilos, mababaliktad nila ‘tong sasakyan!”

Mabilis kaming nagsitayuan at kanya-kanyang nagsikuha ng mga baril sa mesa.

“We can’t run them over, apo,” sagot ni lola Letty sa tanong kanina ni Avy. “Masyado silang marami.”

Pagkatapos ay bumalik na silang dalawa ni lolo Max sa unahan.

“Face all directions,” utos sa amin ni Wilson.

Sumunod kami sa sinabi niya. Nang makarating sa mga pwesto namin ay naramdaman naming gumalaw na naman ang sasakyan. umaangat ito. Mga sampung metro ang iniangat nito bago huminto sa paggalaw.

Nagkatinginan kami ni Xienna na nasa kanan ko. Namamaga pa rin ang mga mata namin but we both looked amazed.

May pinindot na naman si Lax doon sa unahan at unti-unting bumaba ang pader ng truck.

“Ay gago!” dinig kong sigaw ni Warren. “Nakakalula.”

Dahil bumaba ang mga pader ay kitang-kita na namin ang labas. Nanghilakbot ako sa dami ng mga zombies na nakapaligid sa truck. Iniwasan ko ring mapatingin sa baba dahil baka malula ako.

“Damn. Wala ba ‘tong harang?” inis na tanong ni Zephyr. Pinakawalan na siya kanina ni lolo Max.

“Wala,” sagot ni Wilson. “So, you guys should be careful. Kapag nalaglag kayo, katapusan niyo na. ‘Wag kayo  masyadong lalapit sa dulo.”

Gulat akong napalingon kay Daniel nang magpaputok na siya. “Tama nang dada. Tapusin na ang natin agad ‘to para maabutan natin ang helicopter.”

Sunud-sunod niyang pinaputok ang baril. Tinitigan ko siya. Seryosong-seryoso siya at pansin ko ang pagtatagis ng mga bagang niya. Parang galit na galit.

“El,” tawag ni Xienna sa atensyon ko. “Let’s do it.”

Tumango ako at humarap na sa mga zombies sa side ko.

Bala ang ine-expect kong lalabas sa baril na hawak ko pero nang kalabitin ko ang gatilyo ang isang mahabang string ang lumabas rito.

Sa zombie na nasa may gitna ako nagpaputok kaya doon papunta ang tali pero nagulat ako nang tumagos ang lubid sa bawat ulo ng mga zombie na nadaanan nito bago ito huminto sa inaasinta ko.

Sa isang bala lang, natuhog nito ang ulo ng limang zombie.

Napatingin ako kay Xienna. Nakatingin na rin siya sa akin dahil nakita niya ang nangyari.

“Anong baril ‘to?” kunot-noo kong tanong. Hindi pa rin nawawala ang pagkagulat ko sa nangyari.

Nagkibit-balikat siya. “I don’t know. But what I know is that, it’s a gun specialized for zombies. It’s a zombie gun.”

Tiningnan ko ang baril na hawak niya. Kulay green ‘yon. “Ano naman ‘yang hawak mo?”

Mukhang hindi niya pa alam dahil humarap muna siya sa direksyon ng mga zombie at nagpaputok. Isang bolang kulay green ang lumabas mula sa baril niya at tumama sa isang zombie. Nang tumama ito sa zombie ay parang tubig itong natunaw at nagmantsa sa katawan ng zombie.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora