CHAPTER 9: A HEATED BREAKFAST

3K 125 6
                                    

NATAPOS ang buong magdamag na walang kahit na anumang gumambala sa mga estudyante kaya matiwasay na nakatulog ang lahat. Nagising si Elojah dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan niya. Nang imulat niya ang mga mata para tingnan ito ay nakita niyang nakayakap pala sa kanya ang best friend. Napangiti siya. Pero nang maalala niya ang nangyari kahapon kung saan nagising siyang magkayakap sila ni Aniel ay agad siyang napasimangot. Mabilis niyang iniling-iling ulo para maalis iyon sa isipan.

Hindi muna siya bumangon para makapag-isip-isip.

Saan na sila ngayon pupunta? Paano nila mahahanap ang mga magulang nila nang hindi nagkakahiwa-hiwalay? Kaninong mga magulang ang unang hahanapin? Siguradong magkakaroon na naman ng alitan kapag naitanong ang huling tanong na naisip niya. Sino ba namang hindi gustong maunang hanapin ang mga magulang niya sa gitna ng isang zombie apocalypse?

Hindi niya namalayang kung saan-saan na pala umabot ang mga pag-iisip. Sumisikat na pala ang araw. Iyon ang naging hudyat niya para gisingin na si Xienna. Dahan-dahan niyang tinanggal ang braso nitong nakayakap sa kanya at umupo.

"Sis." Niyugyog niya ang balikat nito.

"Hmm," inaantok na ungol lang ng kaibigan.

"Sis, gising na." Medyo nilakasan niya ang pagyugyog dito.

Unti-unti nitong iminulat ang mga mata kaya napangiti siya. Iyon ang isa sa mga gusto niya rito. Hindi ito mahirap gisingin, hindi katulad niya. Kailangan pa yatang busina ng barko ang gamitin para lang magising siya. Bumangon si Xienna habang humihikab.

"Anong oras na ba?" tanong nito sa medyo paos pang boses.

Sinulyapan ni Elojah ang wrist watch. "6:05 na. Tara na. Tayo na lang ang magluto ng agahan at ng babaunin natin sa byahe."

Tumango ito. "Sige. Maligo na muna tayo habang wala pa tayong kaagaw sa banyo."

Napatingin siya sa ibang mga babaeng nasa kwarto nila at mahimbing pa ang mga tulog. "Right. Tara na."

Kumuha sila ng mga damit mula roon sa mga kinuha ng isang grupo sa kabilang bahay. Hindi kasi nila magamit ang mga damit na nasa bahay na iyon dahil mag-asawang matanda lang yata ang nakatira roon bago ang outbreak. Napagtanto nila iyon base sa mga pictures na nakasabit sa dingding at sa mga style ng damit na nasa cabinet. Nakakaawa naman ang mga iyon. Walang kalaban-laban ang mga ito sa mga zombies.

Si Xienna ang gumamit ng banyo sa loob ng kwarto habang ang ginamit naman ni Elojah ay ang banyo sa ibaba. Nakita pa niya sina Marga at Harvey na tahimik na nag-uusap. Ang mga ito ang huling nakatoka para magbantay.

Selos ako. Charot!

"Good morning," bati niya sa kanila kaya napalingon ang dalawa sa kanya.

Ngumiti si Marga at tumango lang si Harvey.

Sungit ni crush, o. Kailan kaya 'to matututong ngumiti? Kahit sa akin lang.

Natawa siya sa isipan dahil sa mga pinag-iisip niya.

"Good morning. Ang aga mong nagising, a," sabi ni Marga.

"Magluluto kasi kami ni Xienna ng agahan at baon natin sa biyahe."

"Wow! Bait, a. May initiative. Keep it up," puri ni Marga na may halong ngiting nakakaloko kaya natawa siya.

"Sure, Leader. Sige. Maliligo na ako para makapagluto na kami."

Ngumiti ito at tumango kaya tumalikod na siya para pumasok sa banyo. Pero bago iyon, tiningnan muna niya ang crush niya. Nagulat siya nang makita itong nakatingin din pala siya sa kanya. Napabilis tuloy ang kilos niya at napalakas ang pagsara sa pinto.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon