CHAPTER XXVIII

1.7K 84 16
                                    

ELOJAH

HINDI namin maiwasang mamangha habang nakatanaw sa mataas na harang ng safe zone. Kung susukatin, siguro kasingtaas ‘yong mga ‘yon ng mga poste ng ilaw. Halata ring gawa sa matibay na metal ang mga ‘yon.

Naunang maglakad si Sir Timog. Agad na sumaludo sa kanya ang mga sundalong nakaposte sa gate ng safe zone.

Tumango siya sa mga ‘yon at nilingon kami.

“Before entering the safe zone, you’ll have to undergo some checkpoints to make sure that you’re not infected.”

Nauna si Sir Max. Itinapat sa noo niya ang isang device. Umilaw ito ng green. Sunod ay ch-in-eck ang mga mata niya pati na rin ang dila niya. Pagkatapos, kinuhanan din siya ng blood sample.

Napatingin ako kay Xienna. I was right. Namumutla na siya. Takot kasi siya sa injections.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Ano ka ba naman, sis? Nakahawak ka na ng mga patalim, baril, tapos nakapatay ka na rin at nakakita ng sandamakmak na dugo, until now takot ka pa rin sa injection?”

Inasar ko siya para kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya.

Sinamaan niya ako ng tingin. “Iba ang injection sa mga ‘yon. Masakit ‘to.”

Natawa na lang ako. Mas masakit pa nga ‘yong mga paltos niya sa paa no’ng tumakas kami sa mga zombies, e.

Nang matapos kaming i-check lahat, and good thing na okay ang mga results, binuksan na nila ang gate.

Pagpasok namin sa gate, wala kaming nakitang mga bahay. Mga tent lang at puro mga naka-camouflage na pants ang nakita naming mga tao. Mukhang mga sundalo silang lahat.

“This is the first part of the safe zone. Ito ang camp ng mga sundalong nagbabantay sa mga gates,” sabi ni Sir Timog.

“Oh my gosh! Mouth-watering abs!” kinikilig na sabi ni Avy.

Natawa ako at nakitingin na rin sa mga pandesal. Yummy nga! Nagutom tuloy ako bigla. Ang gwapo ni kuyang blonde ang buhok habang nagsisibak ng kahoy.

“Wait! What are you doing, you monkey?!”

Napatingin kaming lahat kay Avy no’ng sumigaw siya. Tinakpan pala ni Rexan ang mga mata niya. Pinilit niyang alisin pero ayaw talaga ni Rexan bumitaw.

“Ano ba? Let go!”

“No. Sa akin ka lang dapat nakatingin.”

Napangisi ako. Seloso. Ibinalik ko na ang tingin ko sa mga topless na sundalo para mag-sightseeing pero napakunot ang noo ko nang balikat ang nakita ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Daniel na diretso lang ang tingin sa unahan.

Kelan pa ‘to napunta do’n?

“Tabi nga! Nakaharang ka,” inis kong sabi. Itinulak ko siya paalis pero bumalik lang siya sa pwesto niya kaya hindi ko na talaga makita ‘yong mga masasarap.

“Ayoko. Baka makita ka nila,” sabi niya.

Natigilan ako. Nagseselos ba siya?

“Bakit naman?” taas ang isang kilay kong tanong.

Malakas ang tibok ng puso ko habang naghihintay sa sagot niya. I knew Daniel. Gagawin niya ang lahat para sa kanya lang mapunta ang atensyon ko. Nakakaalala na ba siya?

“Baka matakot sila. Nakakatakot ka pa naman.”

Nawala ang lahat ng emosyon sa mukha ko.

“Gago!” Malakas ko siyang binatukan at mabilis na naglakad paunahan.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang