CHAPTER 13: FIREWORKS

2.6K 119 8
                                    

NAPABALIKWAS ng bangon si Marga nang makarinig ng malakas na sigawan mula sa labas.

Sino 'yong mga 'yon? Sina Gunther ba 'yon?

Kinapa niya ang cell phone niyang nasa ilalim ng unan. Papikit-pikit pa siya dala ng sobrang antok at pagod. When she looked at the time, it was just 3:04 in the morning. Sinuyod niya ng tingin ang motorhome at agad na napakunot ang noo niya dahil kompleto naman sila sa loob. Sina Harvey kaya iyon? Pero ano namang ginagawa ng mga ito sa labas ng ganoong oras?

Agad ding nawala ang isiping iyon nang may marinig na kakaiba. Mula sa malayo ang tawanan at papalapit iyon nang papalapit. May tunog din ng mga sasakyan.

Nagmamadal siyanglumapit sa may bintana at hinawi ang kurtinang nakatakip doon. Ang inaantok niyang diwa ay agad na nagising nang makita ang nasa sampung sasakyan na palapit sa kanila. May mga pickup at may mga jeep. Halos mga lalaki ang sakay ng mga ito.

Hindi maganda ang pakiramdam niya sa mga taong iyon kaya alerto niyang ginising ang mga kasama.

"Guys! Gising, gising! Gumising kayo!" natataranta niyang wika.

Wala na siyang pakialam kung halos maapakan na niya ang mga ito o madapa siya.

"Aray!"

Agad na napaupo si Daniel nang madaganan ito ni Marga para lang maabot sina Charles na nasa may bandang dulo.

"Sorry," sabi niya at muling niyugyog sina Charles at Lauree. "Gumising kayo. Bilisan niyo!"

"Ano bang meron, Marga?" Kinukusot ni Xienna ang mga mata.

"It's just three in the morning. Seriously?" pikong wika naman ni Lydia na nakahilata pa rin at nasisinagan ang mukha ng liwanag mula sa cell phone.

"'Wag na kayong magreklamo. Ihanda niyo ang mga sarili niyo, ang mga weapons. Dito lang kayo. Gigisingin ko rin sila sa kabila," nagmamadaling wika ni Marga.

"Teka, Marga!"

Hindi na niya pinansin ang pagtawag ni Xienna. Patakbo siyang bumaba ng motorhome. Pinuntahan niya at kinatok ang motorhome nina Harvey. Pinaghahampas niya ang pinto niyon. Wala na siyang pakialam kung manakit man ang kamay niya sa ginagawa. Ang mahalaga ay agad na magising ang mga ito.

"Harvey! Gising. Buksan niyo 'to. Gumising kayo dyan!"

Nanginig na ang mga binti niya sa sobrang pagkataranta. Isama pa ang malamig na simoy ng hangin sa gabi na dumarampi sa balat niya.

Isang nakakunot-noong Harvey ang nagbukas ng pinto. Sa likod nito ay ang mga kasamahan sa motorhome maliban kay Elojah na tulog pa rin dahil hindi agad nagigising iyon. Maging si Roshi ay nagkukusot ng mga mata at nakakapit sa dulo ng T-shirt ni Harvey.

"Anong—"

Hindi na naituloy ni Harvey ang itatanong dahil napatingin ito sa kalsada kung saan sobrang lapit na ng mga sasakyan sa kanila. Dinig na dinig din ang malakas ng tawanan ng mga sakay ng mga ito.

"Shit! Guys, get your weapons!"

Patakbong bumalik si Harvey sa loob. Muntikan pang makaladkad si Roshi, pero mabuti na lang ay nahawakan ito agad ng lalaki. Naguguluhan man ay nagmamadali ring kinuha ng iba ang mga armas ng mga ito.

Napaigtad si Marga sa gulat nang may kung anong tumama sa gilid ng motorhome. Paglingon niya ay naroon si Daniel na nabangga sa sasakyan at hingal na hingal.

"Si Elojah? Gising na ba?" May pagkataranta sa mga mata nito. Mukhang alam na ng mga kasama niya kung anong mayroon.

Hindi pa siya nakasasagot ay agad na itong pumasok sa loob. "Elojah! Elojah!"

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon