CHAPTER XXXI

1.8K 70 7
                                    

ELOJAH

NAPALINGON ako sa pinto ng kubo no'ng bigla 'yong bumukas. Nakatayo sa may pinto si Xienna at napansin ko agad ang pamumugto ng mga mata niya.

Inilapag ko agad ang hawak kong baril.

"Sis!" Halos madapa pa ako makalapit lang agad sa kanya.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at iniharap sa akin. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

"E-El..." namamalat ang boses na tawag niya sa akin. Halatang kanina pa siya umiiyak.

"Halika nga." Hinila ko siya papasok sa kubo at iniupo sa kama. Tumabi ako sa kanya. "Napaano ka? Sinong nagpaiyak sa 'yo?"

Tiningnan niya ako sa mga mata. Bumuka ang mga labi niya para magsalita pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin at humagulgol sa mga palad niya.

"Xienna..."

Pati ako naiiyak na rin dahil sa nangyayari sa kanya. Wala akong kahit katiting na clue kung bakit nagkakagano'n siya.

Hinaplos-haplos ko ang likod niya para subukang pagaanin ang loob niya pero lalo lang lumakas ang iyak niya.

"Xienna naman. Umayos ka nga. Ano ba kasing nangyayari?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at may tumulo na ring luha sa mga mata ko. Mabilis kong pinunasan ang mga 'yon.

Nahihirapan na siyang huminga dahil sa pag-iyak niya kaya medyo nataranta na ako.

"Xienna, calm down. Sandali nga."

Tumayo ako para kumuha ng isang basong tubig.

"O. Uminom ka."

Nanginginig ang mga kamay na inabot niya ang baso para uminom. Konti lang ang nabawas sa tubig.

Inilapag ko 'yon sa mesa at bumalik sa tabi niya. Niyakap ko siya mula sa gilid at nagdesisyon akong manahimik na lang muna.

Halos isang oras din yata bago siya natigil sa pag-iyak.

Kumalas ako sa yakap ko sa kanya at hinaplos ang likod niya. "Okay ka na ba?"

Sumisinghot na nilingon niya ako. "No, El. Kahit kailan hindi ako magiging okay. Kahit kailan." Umiiling pa siya habang sinasabi 'yon.

Kitang-kita ko ang sakit na nararamdaman niya no'ng mga oras na 'yon. Nakita ko sa mga mata niya.

"Then, tell me. Ano bang nangyari? Bakit ka umiyak?"

Naluha na naman siya. "Ang hirap. Pero, El, pakinggan mo si Daniel. Puntahan mo siya ngayon bago pa man mahuli ang lahat. Nakikiusap ako. Pagkatapos mo siyang kausapin, you can hate me all you want."

Kumunot ang noo ko sa pagkalito at pagtataka. "Anong sinasabi mo dyan? Why would I hate you?"

"El, please!" frustrated na sigaw niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Tinitigan niya ako ng diretso sa mga mata. "You have to talk to him. I don't like seeing you cry pero mas ayaw kong umiyak ka dahil nahuli na ang lahat. Hate me as long as you live but talk to him. Now. Come here."

Hinawakan niya ako sa kamay at hinila palabas ng kubo.

"Teka, Xienna. Sandali lang."

Sobrang bilis ng lakad niya na halos makaladkad na ako. Mula sa likod ay nakita ko na naman ang pagyugyog ng mga balikat niya dahil sa pag-iyak.

Gulong-gulo na ako. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakagano'n. Anong alam niya na hindi ko pa alam.

Nakarating kami sa likurang part ng safe zone, sa may kakahuyan. Malayo pa lang ay nakita ko na si Daniel na naghihintay habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now