CHAPTER 2: BATTALION

5.1K 179 63
                                    

HABANG naglalakad ay nagpalinga-linga sa paligid si Xienna para tandaan ang dinaraanan nila kung sakali mang magkaroon ng emergency. Napakunot ang noo niya nang may mapansin sa isang puno na itim na likido.

Ano 'yon? Is that blood? Pero itim, e.

Hindi niya namalayang napahinto na pala siya kaya naman nauntog sa bag niya ang kaklaseng si Warren na nasa may likuran niya. Gulat siyang napalingon dito.

"Aray ko, Xien. Ano ba 'yan? Ba't ka huminto?" Hinimas nito ang noong nauntog.

"Ay, sorry!" natatawa niyang paghingi ng tawad dito. Ang cute lang kasi ng pagkakanguso nito.

"Pasalamat ka malakas ka sa 'kin." Ngumisi ito.

"Heh! Unggoy ka," pabiro niyang sagot dito saka tumalikod para ituloy ang pag-akyat sa bundok.

Iwinaksi na lang niya sa isipan ang nakita sa may puno dahil hindi naman ito big deal. Matapos ang halos isang oras na paglalakad ay narating na rin nila sa wakas ang camp site. Hindi ito ang typical na camp site na patag ang lupa. Nasa bundok sila kaya naman baku-bako pa rin ito pero mas patag na kumpara sa ibang parte ng gubat.

"Okay, students," pagtawag ni Mr. Ramirez sa kanila sabay palakpak. Ito ang adviser ng kabilang section na kasama nila. "Simulan niyo nang itayo ang mga tent niyo at gagawa pa kayo ng bonfire mamaya para makapagluto."

Mabilis namang nagsikilos ang mga estudyante at nagsimula na sa pagtatayo ng kani-kanilang tent. Iisa lang ang tent ng magkaibigang Xienna at Elojah para hindi na masyadong mabigat ang mga dala nila. Si Xienna ang may dala ng tent at si Elojah naman ang may dala ng kumot at dalawang maliliit na mga unan.

"Excited na ako sa mga activities na gagawin natin," masayang sabi ni Elojah sa kanya habang abala sila sa pagtatayo ng tent na gagamitin.

"Ako rin," nakangiting sabi niya. "Pero mas masaya sana kung sina Jarvi ang nakasama natin."

"Kaya nga, e. Pero hayaan mo na. Makakasama naman natin sila sa last day ng camping."

Sinabi kasi ng guro nila na sa ika-limang araw nila ay titipunin na ang lahat ng estudyante sa iisang lugar para gawin ang last activity at makapagbonding na rin.

Matapos maayos ang tent nila ay pumasok na ang magkaibigan sa loob para naman ayusin doon ang kanilang mga gamit.

"Sis, may dala ka bang first aid?" tanong ni Xienna sa kaibigan.

"Yup. Ikaw dala mo ba 'yung mga drinks."

Ngumiti siya nang nakakaloko saka inilabas ang dalawang malalaking bote ng alak mula sa bag niyang natatakpan ng mga sitsirya at iba pang snacks. "Tsaran!"

"Yes!" masayang wika ni Elojah. "Uy, pero itago mo nang mabuti 'yan, ha. Baka mamaya mahuli tayo. Lagot talaga tayo at baka mapaaga ang uwi natin."

"I know, I know." Ibinalik na niya ulit ang mga bote sa bag niya. Eksakto namang sumilip doon ang kanilang adviser na si Mrs. Cantaros.

"Ready na ba kayo? Lumabas na kayo at kailangan niyo nang maghanda ng tanghalian natin," sabi nito sa kanila.

"Yes, ma'am. Palabas na po kami," sagot ni Xienna rito.

"Good." Umalis na ito at mukhang pupuntahan pa yata ang iba nilang mga kaklase para pagsabihan.

"Tara na," aya niya kay Elojah.

Lumabas na sila ng tent. Nakita nilang marami na ring natapos sa paghahanda at mukhang binibigyan na ng instructions ng presidents ng dalawang klase. Kumulay ang camp site dahil sa iba't ibang kulay ng mga tents na nakatayo. Mayroong malaking space sa gitna na sa sa tingin niya'y pagtatayuan ng bonfires.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now