CHAPTER XVI

1.8K 82 26
                                    

ELOJAH

PABAGSAK akong umupo sa kama ng bahay-kubo na tinuluyan namin ni Xienna rito sa HQ. Katatapos lang naming ayusin ang mga gamit namin.

Umupo rin siya sa tabi ko.

Ilang minutong walang nagsalita sa amin.

"Alam mong planado lahat ng 'to, 'di ba?" tanong ko maya-maya.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtango niya.

"Yeah. Masyadong obvious ang pagpapadala sa atin ng mga bata."

Humugot ako ng malalim na hininga at humiga sa kama. Iniunan ko ang ulo ko sa mga kamay ko habang nakalaylay pa ang mga binti ko sa paahan ng kama.

"But the question is, who did it? At bakit sa atin? Alam kong may koneksyon kung bakit sa atin ipinadala ang mga bata at hindi sa ibang tao."

Hindi siya sumagot. Malamang hindi niya rin alam 'yong sagot sa tanong ko na 'yon. Kahit ako walang kaide-ideya, e.

"Hindi kaya may kakilala sa isa sa atin 'yong mga doktor na 'yon?" tanong niya.

Humiga na rin siya sa tabi ko pero patagilid. Iniunan niya ang ulo niya sa braso niya.

"You mean si Avy?"

Si Avy lang naman ang may koneksyon kina lolo Max kaya baka siya.

"Pwedeng siya. Pwede ring isa sa atin dahil kakilala natin si Avy."

"Pero bakit hindi na lang nila diniretsong dalhin kina lolo Max 'yong mga bata?"

Xienna gave me a knowing look. Pero hindi ko na-gets ang gusto niyang iparating kaya nangunot ang noo ko.

"'Di ko gets."

Nag-straight face siya.

Alanganing ngumiti ako. E, sa hindi ko na-gets, e.

"Syempre kapatid ni Gunther si Gia. May konsensiya rin naman siguro 'yong dalawang doktor na 'yon para basta na lang ibigay 'yong bata kina lolo Max at operahan para makuha 'yong chips, 'di ba?"

Napaisip ako. May point naman. Pero feeling ko may mas malalim pang dahilan, e. Kasi bakit si Ciarah?

Paano kung...

Nilingon ko si Xienna nang may naniningkit na mga mata. "Paano kung hinahabol pala sila no'ng Alice na 'yon kaya wala silang ibang choice that time kundi iwan si Gia sa kalsada para makita niyo?"

"But what about Ciarah?" tanong niya. "Wala namang humahabol sa tatay ni Ciarah that time pero sa atin siya dinala."

My lips twitched sideways. Oo nga pala.

Natahimik na naman kami.

Nang tumayo si Xienna ay napatingin ako sa kanya.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ko.

"Lalabas. Titingnan ko kung tapos na 'yong observation sa mga bata. Saka baka gutom na si Roshi."

Tumayo na rin ako. "Wait. Sasama ako."

Kumuha ako ng damit at pinalitan ang suot kong T-shirt ng isang razor back sando.

"Tara na," aya ko sa kanya nang matapos ako.

Paglabas namin, una kong napansin ang bonfire sa gitna ng buong HQ. Napayakap agad ako sa sarili ko dahil sa lamig ng gabi.

Bakit ko ba naisipang magsando?

Naglalakad sina Harvey at Jarvi papunta sa direkson ng bahay-kubo namin. Madilim ang anyo ni Harvey. Napa'no kaya siya?

"O, 'yan na pala sila," sabi ni Jarvi nang makita kaming lumabas.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now