CHAPTER 3: CONFLICT

4K 161 32
                                    

PARE-PAREHO silang natigilan ng ilang sandali dahil sa gulat. Si Elojah ang unang nakabawi.

"Tabi nga!" Mabilis niyang tinabig si Daniel na siya palang nakadagan sa kanya at may hawak sa mga palapulsuhan niya.

Napagulong ito sa ginawa niya kaya muli itong napadaing sa sakit nang tumama ang likod nito sa mabatong lupa. Tumayo siya at ipinagpag ang mga damit saka nilingon ang kaibigan na ngayon ay tinutulungan nang makatayo ni Avy na gulo-gulo na rin ang buhok. Marahil ay dahil sa paglilikot ng kaibigan niya kanina nang madaganan ito.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Xienna kay Lauree na siyang may hawak ng flashlight. Pinapagpagan rin nito ang damit na narumihan ng lupa at maliliit na mga dahon.

"There are zombies eating our schoolmates. What do you expect us to do? Ang mag-stay doon at magpakain din? Duh! Syempre we're gonna run paalis!" maarteng singit ni Avy sa usapan habang inaayos ang nagulong buhok.

Napaikot ng mga mata niya si Elojah dahil sa inis dito. Hindi na niya matiis ang hindi ito sagutin dahil sa pabarang sagot nito sa kaibigan niya. "Ikaw ba ang kausap ni Xien? Si Lauree, 'di ba?"

"Hey, awat na," saway ni Marga sa kanila gamit ang maotoridad nitong boses. Alam na alam kasi nito ang ugali niyang maiksi ang pasensiya. "Wala tayong mapapala kung parehong iinit ang mga ulo niyo."

"Kaya nga. Umiral na naman kasi ang kasungitan ni Elojablo," pagsingit ni Daniel kaya mabilis na sinamaan niya ito ng tingin.

"O, isa ka pa." Umamba ang presidente nila na parang mambabatok kaya napangiwi ito.

"Sorry na, pres." Umakto ang lalaki na nag-zipper ng mga labi.

Iginala ni Elojah ang tingin sa madilim na gubat. Napahawak siya sa braso nang magsitayuan ang mga balahibo niya. Nag-iingay ang mga kuliglig. Malamig ang simoy ng hangin, ngunit nanlalagkit siya sa pawis dahil sa ginawang pagtakbo.

Ibinalik niya ang tingin sa mga kasama. "Saan na tayo pupunta?"

"Who knows the way papalabas ng gubat?" tanong ni Avy.

Natahimik silang lahat. Wala ni isa sa kanila ang may alam ng daan palabas.

"Paano 'to? Mukhang kakailanganin pa nating ipagpabukas ang paghahanap sa daan palabas," namomroblemang sabi ni Xienna makalipas ang ilang sandali ng katahimikan. Kahit naman kasi tinandaan nito ang daan palabas ng gubat ay mukhang hindi naman iyon makatutulong dahil nasa ibang parte na sila nito.

"No. Hindi pwede," pagkontra ni Elojah sa kaibigan. "Mas malaki ang chance na makain tayo ng mga zombies kung hindi tayo agad makakalabas dito."

Binalingan siya ni Marga. "So, what do you suggest?"

"Let's just continue walking," sabi ni Lauree na madalas ay tahimik lang kaya napalingon sila rito.

"What? But, Laur, magwe-waste lang tayo ng strength tapos hindi naman guaranteed if we can get out of here nga tonight," reklamo ni Avy.

"Edi maiwan ka kung ayaw mong sumama." Umirap si Elojah at nagsimula nang maglakad pababa sa mabatong bundok.

Inirapan na lang din siya ni Avy at sumunod na lang din sa mga kasama. Habang naglalakad ay biglang napahinto si Daniel kaya naman nauntog si Elojah sa likod nito. Ito kasi ang nangunguna sa paglalakad dahil ito lang ang lalaki at siya naman ang sumunod.

"Aray! Ano ba?" naiinis niyang sabi.

Nilingon siya nito at sinimangutan. "Sorry naman," pabalang nitong sabi.

"May problema ba, Daniel?" tanong ni Marga rito.

"Para kasing kulang tayo." Napahinto pa si Daniel para mag-isip. Maya-maya lang ay unti-unting nanlaki ang mga mata nito nang may maalala.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now