CHAPTER 23: LEVERAGE

2.3K 107 10
                                    

ELOJAH

HINDI ko na alam kung ilang araw na kaming nakakulong dito. Nakakawala lang kami kapag kumakain kami. Hindi naman namin magawang makatakas dahil may mga lalaking may hawak na baril na nagbabantay sa amin.

"Guys," walang buhay na tawag sa amin ni Warren.

Tumingin kaming lahat sa kanya. Nakasandal ang ulo niya sa dingding habang nakatingala sa kisame.

"Ano nang plano natin? Ganito na lang ba tayo?" tanong niya.

Namayani ang katahimikan sa amin.

Maya-maya ay nagsalita si Avy. "Wala rin naman tayong naiisip na plano, Warren. Kaya wala rin tayong choice."

"I'm scared," sabi ni Lydia. Pero hindi mo mahahalatang natatakot siya dahil pagod at panlulumo lang ang nakikita ko sa mukha niya.

Para na kaming nawalan lahat ng pag-asa.

"Me, too," nakangising sabi ni Gunther. Ngumiti siya ng mapakla. "Ilang araw na tayong nakakulong dito. Hindi natin alam kung anong balak nila sa atin."

"But, I'm sure it's something hellish," sabi ni Jarvi. "They won't feed us to maintain our strength for nothing."

Napaisip ako sa sinabi niya.

He had a point. Kung balak lang talaga nila kaming pag-tripan at pahirapan, hindi na sila mag-aabalang pakainin pa kami.

Mas papabor nga sa kanila kung mamatay kami sa gutom eh.

Pero mukhang iba ang plano nila sa amin. Parang ginagawa nila kaming patabaing baboy na anytime na gustuhin nila, pwede nilang katayin. Puro kain at tulog lang ang nagagawa namin.

Hindi rin naman kami madalas mag-usap-usap. Para saan pa? Wala rin namang kwenta dahil wala naman kaming mabuong plano para makatakas.

Pagkawala pa lang sa mga kadenang nakagapos sa amin, wala na kaming magawa eh. Pagtakas pa kaya?

Nawala ako sa pag-iisip nang bumukas ang pinto ng kwarto. Lahat kami ay napatingin sa taong pumasok doon.

Si Jack. May hithit pa siyang sigarilyo.

"Hello again, children," malaki ang ngiting bati niya sa amin. "Did you miss me?"

"Miss mo mukha mo," bulong ni Daniel na katabi ko lang.

Napailing na lang ako.

"So," sabi niya. Umupo pa siya ng pa-squat at ipinatong ang magkabilang siko niya sa mga tuhod niya. "Today is your lucky day. Hooray?"

Itinaas niya ang dalawang kamay niya pagkatapos ay humalakhak. "Of course, it's hooray. As I told you, it is your lucky day."

Baliw. Isa siyang malaking baliw.

Humithit siya sa sigarilyo niya bago niya 'yon iniabot sa lalaking nasa likuran niya. Ibinuga niya ang usok bago muling ngumisi sa amin.

Tumayo na siya at nagpamulsa. "So, let's play a game. I need one representative. Anyone?"

Luminga-linga siya para tingnan kaming lahat. Hindi kami nagsalita. Lahat kami ay masamang nakatingin lang sa kanya.

Nakaraan ko pa 'to iniisip eh. Sino ba talaga siya? Marunong siyang mag-English kaya malaki ang possibility na isa siyang professional bago pa magkaroon ng outbreak. Well, alam kong hindi naman 'yon ang basehan ng professionalism but here in our country, it was.

"No one?" tanong niya. Bumuntong-hininga siya. "Alright. Ako na lang ang pipili. Let's see."

Itinaas niya ang hintuturo niya bago kami itinuro isa-isa. "Sino kaya sa inyo?" sabi niya habang inililibot ang tingin sa amin.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now