CHAPTER 11: BROKEN

3K 123 10
                                    

TAHIMIK na silang bumibiyahe. Kanina pa tumigil sa pag-iyak si Lydia at ginagamot na ni Fionna ang mga pasa at sugat nito sa mukha, leeg at braso. Hindi lang kasi sampal at sabunot ang ginawa ng best friend ni Xienna. May kasama iyong mga kalmot.

Si Elojah naman ay tahimik pa ring umiiyak. Nakaakbay rito si Daniel. Kanina pa ito pinatatahan ng lalaki, pero parang wala itong naririnig. Hindi na nakatiis si Xienna at lumapit na sa mga ito. Susubukan niyang patahanin ang kaibigan niya kahit alam niya namang hindi niya iyon magagawa.

"Sis, tahan na," wika niya sa malambing na boses.

Nakatulala lang ito habang patuloy na tumutulo ang mga luha. Hinawakan niya ang isa nitong kamay na nakapatong sa hita nito dahil ang isa ay hawak na ni Daniel.

"Okay na siya. Ginagamot na siya ni Fionna. Kaya tahan na," pang-aalo pa rin niya, ngunit bigo siya dahil hindi man lang siya nito napansin.

Napatingin siya kay Daniel at binigyan lang siya nito ng malungkot na ngiti. Napabuntong-hininga na lang siya at niyakap si Elojah nang mahigpit. Maya-maya pa, tapos nang gamutin ni Fionna si Lydia. May mga band aids ito sa braso, leeg at kanang pisngi habang ang mga pasa naman nito ay unti-unti nang nagiging violet. Nagva-violet na rin ang gilid ng kaliwang mata ng babae na natamaan ng karton ng sabon kanina.

Kumalas si Xienna sa pagkakayakp kay Elojah. "Look, sis. Nagamot na siya ni Fionna. Okay na siya." Itinuro niya si Lydia na tinitingnan ang mga sugat at pasa nito sa salamin.

Unti-unting nilingon ni Elojah si Lydia at nakita ni Xienna na kahit papaano ay gumaan na ang awra ng kaibigan. Isinandal nito ang ulo sa dibdib ni Daniel kaya nagkatinginan sila ng lalaki.

She nodded at him as a sign of permission, and then he mouthed the word 'Sorry'. Ngumiti lang siya rito.

Niyakap ni Daniel nang mahigpit si Elojah at hinalikan sa noo. Napapikit si Elojah sa ginawa nito at maya-maya lang ay nakatulog na ito. Iyon lang talaga ang makapagpapatahan kay Elojah. Ayaw sana ni Daniel dahil parang nagte-take advantage daw ito sa kaibigan niya kaya pinilit pa nilang patahanin ito, pero wala talaga. Noong unang beses na nangyari iyon ay aksidenteng nahalikan ni Daniel sa noo si Elojah nang hilain nito ang babae para yakapin at nakatulog ito. Paggising nito ay ayos na ulit ang pakiramdam nito. Noong pangalawang beses naman ay sinubukan ulit nila iyong ipagawa kay Daniel at pareho ang naging resulta.

Matapos ang isang oras na pagbiyahe ay nakarating na ang grupo malapit sa isang car dealership. Ihininto ni Rexan sa medyo tagong lugar ang sasakyan dahil may mga zombies na nagkalat sa daan.

"Maiwan na ang iba rito para maging look out at para mag-cover," sabi ni Harvey. Natutulog pa rin si Roshi sa mga bisig nito. "Kami nina Rexan, Daniel, at Gunther ang papasok sa loob."

"Xienna," binalingan siya ng lalaki, "come with us. Baka kailanganin namin ang skill mo sa pag-pick ng lock."

Tinanguan niya ito at ihinanda ang crossbow niya.

"'Wag niyong iiwan ang mga gamit niyo rito dahil baka magkaroon ng emergency at mahiwalay tayo sa kanila. Dapat lagi niyong dala ang mga gamit niyo kahit saan tayo pumunta," dagdag pa ni Harvey.

"Sasama ako," biglang sabi ni Jarvi.

"Dude, hindi pwede," wika ni Gunther, "Wala nang maiiwang mga lalaki rito."

Natigilan si Jarvi at napaisip. Pagkatapos ay sumimangot. "Fine."

Nagtaas ng kamay si Elojah na hindi namalayan ni Xienna na gising na pala. "Sasama ako."

"'Wag ka nang sumama," pigil ni Daniel.

"Tumahimik ka dyan. Hindi mo na ako mapipigilan ngayon," pairap na sabi ni Elojah.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now