CHAPTER VIII

1.8K 93 8
                                    

AVY

NAGMAMADALI akong nagsuot ng T-shirt para matakpan ang manipis na sandong suot ko.

Gosh! Lydia might kill me!

After kong isuot ang shirt ay dumiretso na ako sa pinto. But, I stopped when I walk past the mirror.

Omg. Baka may muta pa ako. I checked my face and made sure na wala ng kahit anong foreign object sa mukha ko.

"Ang ganda mo pa rin talaga, Avy, kahit na medyo umitim ka," pagkausap ko sa sarili ko sa salamin.

Nagpa-cute pa ako ng nagpa-cute sa harapan nito when I remembered na kailangan na pala ako sa kitchen.

"Hala! Ano ba 'yan? Lagot na talaga ako!"

Nagmamadali na akong lumabas sa room na ino-occupy ko. Pero, hindi ko namalayang someone's near the door pala kaya nabunggo ako sa taong 'yon.

"Ouch! My nose!" Napahawak ako sa ilong ko.

Gosh! Feel ko nadurog na 'to dahil sa tigas ng binanggaan ng mukha ko. Pader ba 'yong taong 'yon?

Nag-angat ako ng tingin and ready na sana akong pagalitan ang nakabangga ko kung hindi ko lang na-realize kung sino 'yon.

I froze on my position.

The person that I bumped into was no other than the person that I was avoiding the most for the past two years.

Rexan.

He was staring at me as if he saw something amusing.

"Ayos ka lang?" he asked.

Tulalang napatango ako.

Binigyan niya ako ng tinging hindi naniniwala. "Are you sure?"

My eyes widened when he stepped closer to me. "Kala ko ba masakit ang ilong mo?"

Hahawakan na sana niya ang ilong ko pero mabilis akong umatras. "Don't touch me!"

Pareho kaming nagulat sa hindi sinasadyang paglakas ng boses ko. His hand remained on air.

Nang makabawi siya ay mahina siyang natawa.

I felt my cheeks heated up. Nakakahiya! Ba't ba kasi ako napasigaw?

"A-Anong tinatawa-tawa mo dyan?" mataray kong tanong. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay to cover up the humiliation that I was feeling at the moment.

"Nothing," nakangising sagot niya. He even crossed his arms and looked at me from head to toe na parang isa akong specimen under the microscope.

Nailang ako sa ginagawa niya so I chose to leave.

"Tabi nga!"

Nagdadabog na naglakad ako para umalis at binangga pa siya.

"Avy, wait." He held my arms kaya napahinto ako.

"I said don't touch me!" Marahas kong binawi ang braso kong hawak niya.

"Bakit ka ba ganyan? Ano bang nagawa ko sa 'yo?" tanong niya.

At 'yong boses niya, parang may something do'n. It was like he was in pain and longing. Pero hindi ako nagpadala doon. I think my mind was just playing trick on me. Why would he feel that way, anyway?

"Wala kang pakialam kung ganito ako sa 'yo. I'm not obligated to be nice to you or whatever, right?"

"Then at least tell me why you are treating me like this!" he suddenly bursted out. Out of frustration, napasuklay siya sa buhok niya gamit ang mga kamay.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon