CHAPTER 7: THE BEGINNING OF THE END

3.2K 148 3
                                    

NAGKATINGINAN muna silang lahat. Ilang segundong namayani ang katahimikan. Nag-isip nang malalim si Xienna. Mayroon ba sa kanilang maglalakas-loob na lumabas at harapin ang ganoon karaming zombies? Sinong kayang magbuwis ng buhay para sa kapakanan ng iba?

Unang nagtaas ng kamay si Gunther. "I'll go."

Napatingin sina Xienna rito. Seryosong-seryoso ang itsura ng lalaki. Namangha siya. Hindi niya akalaing ito ang unang magvo-volunteer. Kung may inaasahan man siya, si Rexan iyon.

"Me," wika ni Jarvi na nagtaas din ng kamay. "After all, I can't let my best friend go out there without me." Tinapik pa nito ang balikat ng kaibigan at nagngisian ang dalawa.

"Gays," natatawang biro ni Fionna.

"Gago, parang nasa classroom lang, a." Tumawa nang nakaloloko si Daniel. "Present," panggagaya nito at itinaas ang isang kamay.

Siniko ito ng katabing si Elojah na sadyang tinabihan ng lalaki, samantalang sinamaan ito ng tingin nina Gunther at Jarvi. Itinikom ni Daniel ang bibig at tatawa-tawang tumahimik na lang.

Rexan did the same. "Count me in."

"Wait, wait," pigil ni Marga. "Hindi pwedeng puro boys ang sasama. Walang maiiwan dito. Paano kung biglang makapasok 'yong mga zombies dito? We don't have enough strength to counter them."

"Rex, maiwan ka na. Kung sakaling magkaroon ng emergency, hindi makakatakbo si Avy. She needs you," sabi ni Fionna.

Tumango si Xienna. Tama ang babae. Kaya man nilang pagtulungan ito dahil magaan lang, mahihirapan pa rin sila kung kakailanganin ng defense.

Dumako ang tingin ni Rexan kay Avy bago ito napabuntong-hininga. "Fine. Magpapaiwan na lang ako."

Napakagat-labi si Avy at nangilid ang mga luha nito. "You don't have to." Pinilit nitong patatagin ang boses. "Kaya ko na ang sarili ko. I'm not your responsibility."

Napailing lang si Rexan at tumabi ng upo rito "I'll stay."

"Who else?" tanong ni Harvey at nilingon ang mga kasama.

Lahat sila ay natigilan nang mag-angat ng kamay si Elojah. "Ako."

"Elojah!" pagtutol ni Xienna. Napaangat siya mula sa tamad niyang pagkakasandal sa dingding. "You're not going."

Nginitian siya nito. "Don't worry, sis. I'll be fine." Kinindatan siya nito.

Kokontra pa sana si Xienna, pero nagsalita na si Daniel. "Hindi ka sasama." Napakaseryoso ng boses ng kaklase. Nagtagis ang mga bagang nito at matiim na tumitig kay Elojah.

Halos mapanganga naman si Warren sa kaibigan dahil noon lang nito nakita si Daniel na ganoon kaseryoso.

"Wala kang karapatang diktahan ako." Tumaas ang isang kilay ni Elojah.

Ang taray talaga ng kaibigan niya pagdating sa lalaki. Pinili ni Xienna na manahimik at tingnan kung makakaya nitong pigilan si Elojah nang wala ang tulong niya.

Lumapit dito si Daniel na seryoso pa rin ang ekspresyon. "Yes, I have. And when I say you're not going, you are not." Hinila nito ang babae sa kamay at iniupo sa isang sofa.

Hindi na nakaalma pa si Elojah nang magsalita rin si Harvey. "'Wag ka nang sumama Elojah. Stay here."

Natameme ito dahil isa na sa mga leader ang nagsabi. Lihim na napangiti si Xienna. Mabuti naman. Makakampante na siya. Kilala niya ang kaibigan. Kahit siya ay nahihirapang kumbinsihin ito minsan. Ngunit sumeryoso rin agad ang mukha niya.

"I'll go," presenta niya.

"Xienna!" pagkontra rin ni Elojah sa desisyon niya. "Ako ayaw mong sumama pero ikaw sasama? No!" Pupuntahan sana siya nito, pero pinigilan ito ni Daniel sa braso. Sinamaan ni Elojah ng tingin ang lalaki, pero ibinalik din nito ang tingin na iyon.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon