CHAPTER 5: HELL IN THE CITY

3.8K 161 50
                                    

MULING itinaas ni Xienna ang kanyang cell phone para tingnan kung may signal na. Napapadyak siya sa inis dahil naka-ekis pa rin ang signal bar.

"Ano ba 'yan? Ba't naman kasi walang signal? Paano kami makakahingi ng tulong nito?" inis na bulong niya.

"Ay!"

Taranta niyang hinawakan nang maayos ang cell phone para hindi ito mahulog nang mabunggo siya. Napailing na lang siya dahil ang best friend niya pala iyon.

"Sorry, sis," nakangiwing paumanhin nito. "Bwisit kasi 'yong Aniel na 'yon, e. Dikit nang dikit."

Nakasimangot ito at inirapan si Daniel na tatawa-tawa lang. Mukhang hindi na ito badtrip sa nalaman kaninang crush ng best friend niya si Harvey.

Hindi na tuloy makuhang mainis ni Xienna sa pagkawala ng signal dahil kinikilig siya sa dalawa. Kahit kasi laging nagbabangayan ay hindi maipagkakaila ang chemistry ng mga ito.

"Pinopormahan ka lang ng mokong na 'yan," natatawang asar niya sa kaibigan na namilog ang mga mata.

"Eww, sis, ha! Anong sinasabi mo dyan?" Nasa mukha nito ang matinding pandidiri.

"Hay, naku! Buti pa ikaw, Xien, nahalata mo 'yon. Samantalang 'yong isa rito," sumulyap si Daniel kay Elojah, "manhid."

"Tigilan mo ako Aniel, ha? Hindi na ako natutuwa," banta ng babae na biglang naging seryoso.

Napailing at natawa na lang si Xienna. Hindi na niya pinansin pa ang pagbabangayan ng mga ito dahil siguradong siya lang ang mabibingi. Nagpatiuna siya ng lakad upang tanungin sana si Marga kung gaano pa kalayo ang kailangan nilang lakarin nang magsalita ang lalaking nasa kanan niya.

"If ever there is a signal, they won't be able to help us anyway."

Napalingon siya rito. Nanlaki nang bahagya ang mga mata niya nang makitang si Jarvi 'yon. Diretso lang itong nakatitig sa unahan habang nakapamulsa ang dalawang kamay.

Pinagtaasan ito ng isang kilay ni Xienna. Tuluyan na kasing nawala ang interes niya rito dahil sa inasta nito sa kanila kagabi. Kahit pa sabihing binigyan siya nito ng band aid ay hindi pa rin noon naibalik ang pagtingin niya sa lalaki.

"At ano namang ibig sabihin mo dyan?"

Tiningnan na siya nito kaya muntik na siyang mapatigil sa paglalakad. Hindi niya maikakailang kahit sinong babae ay magkakagusto rito. He had the look of a boy next door but with a mysterious aura. Maninipis ang mga labi nito at maganda ang kurba ng ilong. His eyes had the shape of almonds.

"Baka nakarating na ang mga zombies sa bayan."

Nagimbal si Xienna sa narinig. Parang saglit na tumigil ang pag-inog ng mundo niya.

"No. Hindi pwede." Umiling siya. Unti-unting namuo ang mga luha sa mga mata niya. "Sina mommy at daddy." Akmang tatakbo siya paalis pero mabilis na nahawakan ni Jarvi ang palapulsuhan niya.

"Where do you think you're going?" seryosong tanong nito.

"Let me go. Kailangan kong makaalis na. Kailangan ako nina mommy. They need to know what's going on. I need to warn them." Sinubukan niyang bawiin ang kamay mula sa lalaki, pero mahigpit ang kapit nito.

Jarvi scoffed. Napangisi ito nang sarkastiko. "Sa tingin mo ba makakalabas ka rito nang buhay kung magpapadalos-dalos ka?"

Sinamaan niya ito ng tingin. Bakit ba ito nangingialam?

"Ano namang pakialam mo? Pwede ba? Mind your own business."

Kailangan niyang makalabas ng bundok at makahanap ng signal.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon