CHAPTER XIII

1.8K 93 5
                                    

XIENNA

KANINA pa ako pabalik-balik ng lakad sa sala. Kinakagat-kagat ko pa ang mga kuko ko sa isang kamay habang nakapatong sa kabila kong kamay na nakahalukipkip. Kanina pa rin nakasunod ang tingin ni Jarvi sa ginagawa ko.

Kami na lang dalawa ang natira rito dahil ang iba ay pinili nang matulog. Madaling-araw na rin kasi. Kahit gustuhin kong matulog na ay hindi ko magawa dahil sobrang nag-aalala ako para kay Elojah.

"Xienna," tawag sa akin ni Jarvi kaya nahinto ako sa paglalakad ko at nilingon siya.

Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

Sinapo niya ang noo niya. "Will you please stop doing that? Nakakahilo ka."

Kinunotan ko siya ng noo. Sino ba naman kasing may sabing panoorin niya ako? Wala naman, a.

"Edi 'wag mo akong panoorin,"sabi ko.

Hindi pa rin maalis ang pag-aalala ko kaya lalakad sana ulit ako pero mabilis na tumayo so Jarvi at hinawakan ako sa braso.

"Halika nga rito."

"T-Teka, ano ba?"

Hinila niya ako at pwersahang iniupo sa sofa.

"There. Behave. Ikaw lang din ang mapapagod sa ginagawa mo." Umupo siya sa tabi ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ako naman pala, e. Bakit mo ako pinapatigil? Saka nag-aalala ako kay Elojah.

Umikot ang mga mata niya.

What the hell? Bakit ang hilig niyang mag-roll eyes? Bakla yata talaga siya.

Naglapat muna ang mga labi niya ng mariin bago nagsalita. Lumabas tuloy ang mga dimples niya.

"Hindi naman babalik si Elojah sa ginagawa mo kaya itigil mo na."

Inis na napakrus na lang ang mga braso ko at sumandal sa upuan.

Wala na akong sinabi. Siya na.

Ilang minuto rin kaming tahimik bago ko naisipang tanungin siya.

"Bakit ka ba nandito at gising pa?" Ulo ko lang ang nilingon ko para tingnan siya.

He just gave me a side way glance before answering. "What else? Binabantayan ka. Baka bigla mo na lang maisipang sundan sina Elojah at Harvey.

I gawked at him.

What was he saying?

"Ano namang tingin mo sa 'kin, tanga para gawin 'yon?"

He shrugged kaya lalong nanlaki ang mga mata ko.

"We can do idiotic acts sometimes when it concerns the people we love."

Napailing ako at isinandal na lang ang ulo ko sa sofa. "I love Elojah but I know how to be rational, too. I won't do anything reckless kung alam kong wala naman akong makukuhang matinong result."

"Then, why were you continuously pacing back and forth earlier? Wala namang matinong resulta 'yon."

My lips twitched sideways. "At least it's not harmful to me."

Isang pagkalansing ang naring namin sa may kusina kaya nagkatinginan kami ni Jarvi.

"May naiwan ba sa kusina?" kunot-noong tanong niya sa akin.

Nagtataka rin ang mukhang umiling ako. "Ang alam ko, lahat sila nasa taas na."

We both became suspicious kaya tumayo na kami.

Dahan-dahan at maingat ang mga lakad namin. Kinuha pa ni Jarvi ang vase na nakalagay sa center table.

Bigla na lang may nabasag kaya lalo akong kinabahan. Napatakbo na kami ni Jarvi papunta roon.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now