CHAPTER 27: VICTIM

1.9K 98 13
                                    

ELOJAH

HINDI pa tuluyang nakakahinto ang sasakyan sa pag-andar ay agad ko nang binuksan ang pinto at tumalon pababa. Muntik pa akong masubsob pero naibalanse ko agad ang katawan ko.

"Elojah!" magkapanabay pang sigaw nina Marga at Harvey nang makita nila ang ginawa ko.

Hindi ko sila pinansin at agad na lumapit sa mga lalaking may hawak ng zombie na nakagapos katulad no'ng unang araw namin sa warehouse. Pero hindi katulad no'ng una ay wala na itong sako sa ulo o 'di kaya ay packing tape man lang sa bibig kaya kitang-kita ko ang nakasisindak nitong mukha.

"Sandali!" sigaw ko.

Napahinto sa paglalakad ang mga tauhan ni Jack at napatingin sa akin. Naagaw ko rin ang atensyon ng zombie kaya agad itong umatake sa akin.

Napaatras ako sa takot pero buti na lang at mahigpit ang pagkakahawak dito ng mga tauhan ni Jack kaya hindi ito nakawala.

"Nandito na kami," sabi ko. Bahagya pang nanginig ang boses ko dahil sa adrenaline at takot. "'Wag niyo ng dalhin 'yan sa loob. Umabot kami sa oras."

Mapanuyang ngumisi ang isa sa kanila. Siya 'yong lalaking parang right hand ni Jack na pinagkamalan kong boss no'ng una. "Miss, hindi ikaw ang boss namin. Sinabi ni boss Jack na dalhin na namin 'to sa kaibigan niyo."

"You can't do that. Nandito na kami. Tumupad kami sa usapan."

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang tatlo kong mga kasamang naglalakad na papalapit sa amin habang bitbit ang mga bags na may dalang supplies of food and weaponry.

Nagkatinginan ang tatlong lalaki. Nagkibit-balikat lang ang right hand ni Jack bago tumango sa kasama niya, senyas upang ipagpatuloy na nila ang pagpunta sa warehouse.

Sumulak agad ang dugo ko. Mabilis akong kumilos at kumuha ng isang shotgun sa isa sa mga duffel bags.

"Move and I'll shoot you," banta ko habang nakatutok ang rifle sa kanila.

Napahinto naman sila sa paglalakad at napatingin sa akin. Nangunot ang noo ng lalaking right hand ni Jack. "Ibaba mo 'yan."

"Why would I listen to you? Hindi ka nga nakinig no'ng sinabi kong 'wag niyo ng ituloy ang pagdala ng zombie na 'yan sa loob 'di ba?" sagot ko pabalik.

"Ibababa mo 'yan o pasasabugin ko ang bungo mo?" sabi niya at itinutok din sa akin ang baril niya. Hindi naman makakilos ang dalawa niya pang kasama dahil hawak ng mga ito ang zombie na malakas pa ring nagpupumiglas.

Napangisi ako. Ang lakas ng loob niya. "Bobo ka ba o sadyang tanga ka?" mapang-uyam kong tanong. "Hindi mo ba nakikitang shotgun ang hawak ko samantalang revolver lang ang sa 'yo? Anong laban mo sa akin?"

Nag-igting ang panga niya at nagsilabasan ang mga ugat niya sa leeg nang galit siyang sumigaw ng, "Sinabi ng ibaba mo 'yan! Ibababa mo 'yan o pasasabugin ko ang bungo mong tang ina ka?!"

Ngumisi lang ulit ako at nagkibit-balikat. "Try me."

Inilagay ko ang kamay ko sa trigger para maghanda kung sakaling magpaputok siya.

"Listen to her. You won't want to mess with us," sabi ni Harvey.

Nakita ko sa peripheral vision ko na tumabi sa akin si Harvey at may hawak na rin siyang baril na nakatutok sa lalaki.

"That's enough," dinig kong sabi ng baritonong boses.

Nang lingunin ko para alamin kung sino 'yon ay nakita ko si Jack na papalapit. Bumubuga siya ng usok mula sa sigarilyong hawak niya habang nasa likuran naman niya ang nasa bente katao niyang mga tauhan. Lahat ay may hawak ng mga baril. Na-recognize ko pa na ang iba do'n ay ang mga baril namin. Leche talaga sila.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now