CHAPTER 14: TRAPPED?

2.7K 120 13
                                    

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Avy na natakasan nila ang mga humahabol. Sobrang dami kaya ng mga ito kompara sa kanila. Mabuti na lang at magaling umasinta ang mga kasama niya. And their strategy was good. She didn't expect that they would come up with that.

Pinagmasdan niya ang lalaking bihag nila. Hmm. Bihag? She liked that term.

Nakatali pa rin ang parehong kamay nito habang nakapatong ang mga iyon sa mga binti nito. He was sitting on the floor. Nilingon ni Avy ang mga kasama, pero lahat ng mga ito ay may kanya-kanyang ginagawa. Iba na ang mga kasama niya sa motorhome dahil nagmamadali na sila kanina at hindi na sila nakapasok sa talagang assigned vehicle nila.

Kung pagmamasdang mabuti ang boss ang mga pangit na iyon, gwapo naman. As in gwapo. Ewan ba niya kung bakit ampapangit ng mga alipores nito.

Tumayo siya at nilapitan ang lalaki. Nakatatayo at nakalalakad na siya dahil hindi na ganoon kasakit ang sprain niya.

"Anong name mo?" tanong niya sa lalaki.

Masama lang siyang tiningnan nito.

Oh. Someone looked pissed. Kanina lang patawa-tawa pa ito. Sabi pa nito ay hindi raw ito pababayaan ng mga kasama nito. Ano ito ngayon, aber?

"Hey, I'm asking you. What's your name?"

Inirapan lang siya ng lalaki kaya napataas ang kilay niya. Oh, wow! Someone got attitude.

Sinipa niya ito sa binti dahil sa inis niya. Deserved rin naman nito iyon pagkatapos siya nitong tutukan ng kutsilyo sa leeg. Wala sa sariling napakapa siya sa maliit na sugat sa leeg.

"The fuck! Ba't mo ako sinipa?" namumula ang mukhang sigaw nito.

Akmang sisipain rin siya nito pabalik pero may isang sapatos agad na lumapag sa binti nito kaya hindi iyon naituloy. Nang tingnan ni Avy kung sino ang may-ari noon ay nakita niya si Rexan.

"Kapag lumala ang sprain niyan, lulumpuhin kita," seryosong wika nito.

She secretly smiled. Medyo mabait naman pala ang lalaki. Akala niya noong una ay puro angas lang ito.

"Napapagod na akong buhatin 'yan. Ambigat pa naman."

Or not.

Malakas niyang hinampas si Rexan sa braso kaya napaigtad ang lalaki.

"Ow!"

"Ang sama mo!"

Inirapan niya ito, pero ang damuho, ngumiti lang. Medyo nasanay na rin si Avy rito dahil sa nakalipas na mga araw ay ito ang lagi niyang kasama. Ito kasi ang tagabuhat niya.

Lumapit si Xienna sa lalaki at inilapag ang first aid kit sa tabi nito.

"Gagamutin mo siya?" tanong ni Avy.

Tumango siya. "'Pag namatay 'to dahil sa infection, magiging murderer pa si Rexan nang wala sa oras."

Ah. Napatango si Avy sa isipan. Si Rexan pala ang bumaril sa lalaki kanina kaya bigla itong napabitiw sa kanya.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Xienna sa lalaki habang inihahanda ang mga gamit.

Pero katulad kay Avy ay hindi rin ito sumagot kay Xienna. Napabuntong-hininga si Xienna at naglabas ng gunting.

"Xien!" nahihintakutang sigaw ni Avy. Nanlaki ang mga mata niya.

Balak ba nitong saksakin ang lalaki dahil lang sa hindi ito nito sinagot?

Ang seryoso pa naman ng babae ngayon. Hindi man ito kasing nakakatakot ni Elojah kapag galit pero mangingilag talaga kahit sino rito.

"Bakit?" tanong ni Xienna sa kanya.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now