CHAPTER XXII

1.6K 72 5
                                    

ELOJAH

HINDI ko magawang kumurap. Dahil lang ba 'to sa pagod kaya ko siya nakikita ngayon?

S-Si Marga. Siya ang nasa harap namin ngayon.

Sa pagkagulat naming lahat, si Xienna ang unang nakabawi.

Marahas niyang hinila ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko at dire-diretsong pumunta kay Marga.

"Xienna!" gulat na sigaw ng mga kasama ko nang malakas niyang sampalin si Marga.

Sa sobrang lakas, napabaling ito sa gilid.

Samantalang ako, hindi ko magawang umimik. Ang panginginig lang ng mga kamay ko ang nararamdaman ko no’ng mga oras na ‘yon.

"Elojah."

Hindi ko magawang lingunin si Harvey no’ng tinawag niya ako. Nakatuon lang ang atensyon ko kay Marga na nakapaling pa rin ang ulo sa kabila.

"Ang kapal ng mukha mo! Bakit nandito ka?!"

Kitang-kita naming lahat ang pagbukas-sara ng mga kamay ni Xienna. Alam kong nagpipigil lang siyang masaktan pa ulit si Marga dahil hindi siya 'yong tipo ng taong mananakit ng kapwa. She was unlike me.

Hindi sumagot si Marga.

"Ano?! Bakit hindi ka sumasagot? Nakokonsensiya ka? Meron ka no’n?"

Wala pa ring naging imik si Marga at mukhang napuno na si Xienna dahil lalapitan na sana ulit niya ito pero mabilis siyang nahila palayo ni Jarvi.

"Xienna, don't," sabi nito sa kanya.

Galit niya itong nilingon. "Anong ‘don't’?! Don't hurt her gano'n? E, mas malala nga 'yong sakit na ipinaranas niya sa kaibigan ko, e!" Itinuro niya ako.

"But she's still your friend."

"Friend? Ayos ka lang, Jarvi? Paano namin magiging kaibigan 'yan, e, trinaidor kami niyan? Ano? Sige nga, sabihin mo. Atsaka bitawan mo nga ako!" Malakas niyang binawi ang braso niyang hawak ni Jarvi.

"Fine. Hindi niyo na siya kaibigan. Hindi na. But, don't be someone like her who has the capability to hurt someone."

Bago pa makasagot si Xienna, nagsalita na ako.

"Xien, hayaan mo na."

Kung nagulat sila sa biglang pagsulpot  uli ni Marga, mas grabe ang gulat na nakita ko sa mga mukha nila dahil sa sinabi ko.

"A-Ano?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Xienna.

Hindi ko siya sinagot at itinuon ang mga mata ko kay Marga.

Dahan-dahan itong humarap sa akin. Nang tuluyan ko nang makita ang mukha niya ay basa na ang pareho niyang pisngi ng mga luha.

"E-El..."

Basag ang boses niya nang tawagin ako.

Naglakad ako papalapit sa kanya. Ramdam ko ang maiinit na tingin sa akin ng mga kasama ko, naghihintay sa susunod kong gagawin.

"Elojah," tawag sa akin ni Harvey pero hindi ko ito pinansin.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko nang halos isang metro na lang ang layo namin sa isa’t isa.

“I-I’m...” Hindi niya naituloy ang sinasabi niya dahil napahikbi siya at napayuko.

Tumingin ako kay Lydia para siya ang tanungin kung anong ginagawa ni Marga roon at kung bakit magkasama sila.

Nasa tabi na pala niya si Gunther nang hindi ko namamalayan. Naka-focus kasi ako masyado kay Marga.

“Lyd, anong ginagawa niyan dito? Bakit magkasama kayo? Siya ba ang kumuha sa ‘yo?” sunud-sunod kong tanong.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now