Pinatay ko ang phone ko. Hindi naman siguro niya ako kukulitin. Pero tangina oh! Kung wala lang akong ginawang kahihiyan kagabi at gusto niyang makipagkita sa akin ngayon, iisipin ko ng makikipag-ayos siya at bibigyan ako ng chance! Baka nanginginig pa akong nagpunta doon.


Nang oras na para sa next subject namin, nagpahatid ako kay Lexus. Nagtataka pa rin siya pero nginingitian ko na lang. Para na nga akong baliw sa kakangiti sa kanya.


"Thank you! Goodluck sa quiz mo!"


"Thanks!" Aniya saka umalis na.


Umupo na ako at masasamang tingin agad ni Deanna ang nakita ko. Kasama niya ang mga kaibigan niya na masama rin ang tingin sa akin.


"Akala ko ba si Brix ang nilalandi niya, Deanna? Bakit magkasama sila ni Lexus?" Tanong ng isa sa mga kasama niya.


"Hindi ko alam! Baka gusto niyang landiin ang dalawa para mag-away ulit ang Alpha at Sigma." Maarteng sagot ni Deanna.


Gusto kong matawa. Akala niya ay hindi ko naririnig, inirapan ko na lang sila. Wala siyang ideya. Gustong-gusto ko pa siyang sapakin dahil inunahan niya ako sa paglapit kay Brix kagabi sa bar. Saka bakit siya nandun?


"Therese! Ang gwapo talaga ni Lexus no? Bakit hindi mo siya bigyan ng chance?" Tanong ng isang kaklase ko.


Ngumiti ako. "Magkaibigan lang talaga kami." Medyo nilakasan ko ang boses ko at lumingon sa grupo nina Deanna. Bitch!


Dumating na ang prof namin saka nagklase. Habang nagsusulat sa board ang prof, napalingon ako sa labas ng classroom. Nakapangalumbaba ako habang nakikinig sa klase dahil inaantok na rin ako. Nalaglag ang kamay kong nasa baba nang makita ang lalakeng nasa labas ng room. Mukhang napansin ni Deanna na nakatingin ako sa labas kaya tumingin din siya doon. Alam kong nagulat siya sa nakita niya kahit pa nakatalikod na siya sa akin. Sino ba ang pinunta ni Brix dito? Si Deanna?


Hindi nga ako nagkamali dahil dahan dahan at tahimik na tumayo si Deanna. Lumabas siya ng room saka nakipag-usap kay Brix. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Nakakainis ka, Brix! Na-wrong send ka ba kanina sa akin dahil si Deanna talaga ang gusto mong makausap? Argh!


Humarap na ulit ang prof saka nagsalita. Wala akong maintindihan. Walang pumapasok sa utak ko. Ano bang pinagsasabi niya?


"Okay, get a whole sheet of yellow paper." Sabi ng prof saka tumalikod ulit para magsulat sa board.


Kukuha na sana ako ng papel sa bag ko nang may kamay ang humigit sa braso ko. Napalingon ako sa taong iyon. Nalaglag ang panga ko. Dahil nasa likod ako naka-pwesto, iilang kaklase lang ang nakapansin at sa sobrang bilis ng paghila niya sa akin, hindi na napansin ng karamihan kahit ang prof ko. Isa lang ang sigurado kong nakita ko. Deanna's silently crying outside. Wtf?


Dinala ako ni Brix sa likod ng building namin. Walang mga estudyanteng dumadaan dito. Bakit niya ginawa 'yon? May quiz pa kami! Saka alam ba niyang may nakakita pa rin sa ginawa niya? Hindi ba ayaw niyang may makaalam na magkakilala kami?


Hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko kahit na hingal na hingal ako sa paghila niya. Tinitigan ko siyang parang hindi man lang napagod sa paglalakad ng mabilis. Unti unting bumibilis ang tibok ng puso ko lalo na nung magkatitigan na kami. Shit, Brix! Nalaglag 'yung panty ko!


"A-Anong ginagawa mo?" Kinakabahan kong tanong.


"Ikaw? Anong ginagawa mo? Pinaghintay mo ako sa rooftop!"


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now