Epilogue

887K 18.2K 4K
                                    

EPILOGUE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Five years later.

Ilang taon na rin ang lumipas simula ng dumating ang pinakamalaking pagsubok sa pag-iibigan namin ni Greg. Noong araw na nagkaayos kami, inamin ko sa kanya ang lahat-lahat dahil hindi kami magiging maayos ang relasyon naming dalawa kung hindi namin ipagtatapat sa isa't-isa ang lahat.

He wasn't angry that time, he was enraged. But I explain everything to him, na hindi kasalanan ni Cedric ang lahat. Naging komplikado lang din ang paligid niya na mas pinili niyang mailigtas ang taong mahal niya. He kept saying his sorry that time na tipong umiyak pa siya sa harap ko dahil baka hindi ko raw siya patawarin. But I always remind myself: Love can forgive. Oo, aaminin ko na hindi naging madali ang pagsasama namin. Hindi naman kami perpekto ni Greg at mayroon din kaming hindi pagkakaunawaan, pero lahat ng iyon ay nalampasan naming dalawa ng maayos. Hindi na niya pinapairal ang init ng ulo niya sa tuwing mag-aaway kami.

I know in myself that I already forgave Cedric that night. Pinatawad ko na siya pero hindi ko magawang mapatawad si Lavenia. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang mapatawad pero alam ko sa sarili ko na galit ako sa kanya. Dahil siya ang dahilan ng lahat ng paghihirap namin ni Greg. Galit na galit si Greg at gusto niyang pagbayaran ni Lavenia ang lahat. Pero lahat ng bagay ay may dahilan. Diyos na mismo ang gumawa ng paraan para pagbayaran nila ang lahat.

Lavenia's family was massacred pagkatapos ng dalawang lingo na pamamalagi namin ni Greg sa Australia. Napabalitaan na dahil sa illegal na transaction ng Gobernador nitong lolo kaya minassacre ang pamilya nito. She's there, pero nakaligtas siya. She's suffering right now because of a physcological disorder at trauma na dulot ng massacre na iyon. Hindi nga siya nakaligtas pero tila sinadya ng mga gumawa noon na gahasain siya ng ilang ulit at iwang buhay. Nasa mental hospital siya ngayon at wala na ni isang kamag-anak niya ang tumulong pa sa kanya. Inaamin ko, galit ako kay Lavenia. Pero hindi ko kaylan man ninais na maging ganoon kamiserable ang mangyari sa kanya. Naaawa ako sa kanya at alam kong may plano ang diyos at kaylangan nilang pagbayaran lahat ng bagay na ginagawa nila.

Dana's life has been ruined too. She was devastated the day Cedric left her. But as what I've said, God has a plan. In the middle of our graduation, Cedric suddenly came up and proposed to her. She was crying really hard. It was so memorable to us. Hindi namin lubos maisip na magagawa iyon ni Cedric sa harap ng maraming tao. Yes, they were only twenty that time but love comes in no time.

I remembered the time Greg and I went to Australia to meet my father. He was so nervous that time and I was just laughing so hard because of it. First time ko lang kasi siyang nakitang ganoong kakabado. Mas kabado pa siya sa akin. We stayed their for almost two weeks and I was so happy that I met my father. His family was so nice to us. I couldn't explain their faces when they saw me because I look exactly my father. Nakilala ko rin ang iba ko pang mga kapatid. My two sisters were swooning Greg that time and hell, I was so jealous. But when Greg proposed to me in front of my father, I was so happy. We even had an uhmm, advance honeymoon there. After six months, my father died and I am glad that I met him before he died.

Pagkaraan ng isang taon ng graduation namin, nagpakasal kaming dalawa. The wedding was really big, iba talaga kapag Montemayor ang pinakasalanan mo. My mother was so happy that I finally met my prince. Akala niya kasi tatanda na akong dalaga, I am now a known journalist in the Philippines. Hindi ko man natupad ang pangarap ko na maging isang tanyag na reporter sa ibang bansa, may inilaan naman sa akin ang panginoon na isang makulit na lalaking makapagpapaligaya sa buhay ko pero hindi ko lubos maisip na  mas sasaya pa ako ng biyayaan kami ni Greg ng isang mas makulit na supling.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon