Chapter Forty Two

565K 11.4K 2.2K
                                    

FORTY TWO

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

The reality of fear let myself to remind something. That you are not afraid to let go, but you are just afraid to accept the fact that he was gone. That the person you have been loved was already gone. Yes, there's a lot of pain in this world and the first one is to accept the reality. The reality that there is no permanent nor perfect in this world. The things around us are for the mean time only. The persons around us could be gone suddenly.

But you know what is the worst part? When the person you love the most, left you in the middle of your agony.

Hindi na ako nakapasok ng araw na 'yon, nagkulong na lamang ako sa lumang CR sa likod ng school at doon ay nag-iiyak. Hindi ko alam kung bakit ganito kasakit na pakawalan ang taong mahal mo, akala ko kasi dati masakit lang. Hindi ko alam na napakasakit pala at kaylangan kong tanggapin ang katotohanang iyon. Na walang permanente sa mundong ito.

Pilitin ko mang hindi sumuko, hindi ko na nagawa pa. Dahil siya na mismo ang nagsabi noon na ayaw na niya. Nasaktan ko siya ng sobra at tama lang na maranasan ko ang sakit na 'to. Dahil ako rin naman ang may kasalanan kung bakit nangyayari sa akin ito. Wala akong dapat ibang sisihin kung hindi ang sarili ko.

Inayos ko ang sarili ko at pinilit kong itago ang bakas ng kahit anong luha sa mukha ko. Pilit akong ngumiti sa harap ng salamin at pilit kong inaayos ang sarili ko kahit na alam kong hindi na ako magiging maayos at buo pa.

Lalo na't wala na siya.

Unti-unti ng binabalot ng dilim ang kalangitan ng lumabas ako. Iilan na lang din ang mga estudyante sa paligid na marahil ang iba ay nagsiuwian na. Naglakad ako palabas ng school bitbit ang mga gamit ko. Wala si Dana kaya wala akong mapaglabasan ng hinanakit ko sa buhay. Katulad ko, nagluluksa rin siya. She is trying to move on kaya nagpakalayo layo siya na hindi ko naman kayang gawin.

Kaylangan ko munang ayusin lahat bago ako umalis.

"Raisse!" Bigla akong napa-angat ng tingin ng may biglang tumawag ng pangalan ko.

"Andrew?"

Nakumpirma ko ngang siya iyon ng lumapit siya sa akin at bigla na lamang akong yakapin ng mahigpit.

"A—Andrew?"

"Shhh, I heard about what happen to you." He said.

May pakpak nga ang balita. Sino ba namang hindi agad malalaman ang nangyari sa amin ni Greg? Maraming babae ang patay na patay sa kanya at mabilis lang ang balita pag dating sa kanila.

"A—Ayos lang ako, ano ka ba!" Pilit kong nilalagyan ng saya ang boses ko kahit na alam kong nagmumukha lamang akong tanga.

"Don't be afraid Raisse, huwag kang matakot na umiyak sa harap ng ibang tao. It will show how brave you are, Raisse. Don't be afraid because I am here. I am here." He said.

"Ayos lang ako, ayos lang. H—Hindi ako iiyak, matapang ako. H—Hindi ako iiyak." Sabi ko sa kanya pero ang mga traydor kong mga luha ay nagsimula nang bumagsak.

I failed again, I cry.

Gusto kong magalit sa sarili ko dahil sa tuwing maaalala ko siya, umiiyak ako. Na sa tuwing bumabalik ang mga ala-alang magkasama kami at masaya kaming dalawa, nasasaktan ako. Dahil sinayang ko ang lahat, sinayang ko ang pagmamahal niya. Oo, nanghihinayang ako sa relasyon namin, nagagalit ako sa sarili ko dahil pati siya sinayang ko.

Hindi niya ako pinakinggan pero pinilit kong sabihin sa kanya ang dapat kong sabihin. Na kahit sa huling sandali, nasabi ko sa kanya na mahal ko siya. Sana bukas, kapag nawala na ako. Maging masaya na siya at malimutan niya na lang ako. Atleast kahit malimutan niya ako, hindi na siya galit sa akin. Hindi na niya ako kinamumuhian pa.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon