Chapter Sixteen

652K 14.2K 1.1K
                                    

SIXTEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

He wants me to answer his kiss but I don't know how. I don't know if I am going to answer his kiss or not. It's my firstime, it's my first kiss and he was the only one who has the courage to kiss me. He moved his lips and I don't because I might lose if I answer his kiss.

Bigla ko siyang tinulak ng malakas kaya nahulog siya sa kama.

"Aray ko naman! Tangina, ang sakit naman babes!" Reklamo niya sa akin habang hinihimas ang likod niya. Sinamaan ko siya tingin.

"Bakit mo ako hinalikan?! Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya. Wala na akong pakielam kung marinig pa ako ng mga kapitbahay.

Bigla naman namula ang mukha niya at nag-iwas ng tingin sa akin.

"A—Ano, w—wala." Wala? Hinalikan niya ako para sa wala? Talaga namang ginagalit ako ng isang 'to eh.

"Lumabas ka sa kwarto ko." Mariin kong sabi sa kanya. Iba ako magalit at hindi niya gugustuhin na magalit ako.

"Misis naman, hahayaan mo ba akong ginawin sa labas? Gusto mo ba akong magkasakit? Hindi na ako magkukulit, promise." Sabi niya at tsaka siya ngumiti ng pagkaluwag luwag sa akin.

"Huwag mo akong matawag tawag na Misis, Montemayor! Hindi mo ako asawa at lalong hindi tayo mag-asawa!" Sigaw ko sa kanya. Inuubos talaga ng Montemayor na 'to ang pasensya ko at kapag hindi talaga ako nakapag pigil, papatayin ko na siya.

"Sus, baka nga ikaw pa mag propose sa akin ng kasal." Narinig ko siyang bumubulong.

"Kapag hindi ka talaga lumabas sa kwarto ko, sisipain kita!" Banta ko sa kanya. Pero parang wala siyang narinig at bumalik ulit sa kama ko at nahiga.

"Hindi ko kayang matulog sa sofa mong maliit, hindi kasya ang legs ko." Sabi niya at tsaka pumikit. Relax Raisse, magtimpi ka. Kasalanan ang pumatay ng tao, kasalanan.

Tumayo ako at kinuha ang kumot at unan ko. Kung ayaw niyang lumabas, ako ang lalabas. Kahit papaano, babae pa rin ako. At hindi tama para sa isang babae ang matulog katabi ng isang lalaking manyak.

"Misis, saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Kung ayaw mong lumabas, ako na lang ang lalabas." Seryoso kong sabi sa kanya. Pagod ako at ayoko ng mas mapagod pa.

Bago pa ako makalabas, tumayo na siya at nagdala ng isang unan.

"Oo na, ako na ang lalabas. Hindi ko ata kayang makita kang natutulog sa sofa at nilalamig." Seryoso niyang sabi bago lumabas ng kwarto ko.

Ilang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin ako makatulog. Malakas pa rin ang ulan sa labas at binabalot ng lamig ang paligid. Alas diyes na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog dahil iniisip ko ang nangyari kanina. It was just a kiss, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko nasa labi ko pa rin ang mga labi niya? Bakit pakiramdam ko, hinahalikan pa rin niya ako? Shit. This is really wrong. Hindi tama ang iniisip ko. Ang dapat kong isipin, kung paano ko ipapasa ang prelim next week.

I sighed.

Lumabas ako ng kwarto ko para uminom ng tubig. Baka sakaling makatulog ako kapag uminom ako ng tubig. Nadaanan ko si Greg na natutulog sa sofa, at tama nga siya. Hindi siya kasya sa sofa dahil mahahaba ang mga binti niya at sa palagay ko ay hindi siya kumportable na doon matulog. Uminom lang ako saglit at binalikan siya.

Halatang hindi siya kumportable at halatang nilalamig siya. Panay din ang galaw niya senyales na nahihirapan siyang matulog. Lumapit ako sa kanya at doon ko nakumpirma na nanginginig na siya sa lamig. Wala kasi siyang suot na pang-itaas at nakabalandra lang ang katawan niya. I looked at his closed eyes down to his pointed nose and to his thin pinkish lips. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko ng maalala ang nangyari kanina.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon