Chapter Twenty Five

615K 12.9K 1.1K
                                    

TWENTY FIVE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Nagkabalikan na si Greg at si Gwen." Bigla akong natigilan sa ginagawa ko sa sinabi ni Dana. Biglang binayo ng martilyo ang dibdib ko sa bilis ng tibok nito.

"S-Sila na ulit?" I asked her with disbelief in my tone.

"Yep. Kalat na kasi sa buong university na may girlfriend na ulit si Greg. So it means, sila na ulit. At balita ko pa, si Greg ang nakipagbalikan kay Gwen. Ang sweet 'no? Mukhang tinamaan na si Greg ng pag-ibig. Wala ng aaway sa'yo Captain!" Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Dana. Hindi ako makapaniwala at lalong hindi ko kaya.

I felt betrayed.

Para akong dinuga ng paligid ko sa narinig ko. Para akong napaglaruan at basta na lang itinapon sa kung saan. Bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko.

"I love you Raisse. Mahal kita."

Kasinungalingan. Ang tanga ko naman pala. Hindi ko pala naisip na Montemayor nga pala siya. Nakilala ko siyang playboy at kahit kaylan ay walang tumagal na babae sa kanya. Ako pa kaya? Ako naman 'tong si tanga na nagpdala sa mga pinagsasabi niya. Ang galing, tangina. Ang galing! Ilang araw na relasyon, may nanloko agad.

"Captain, ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Dana sa akin. Wala sa sarili akong ngumiti sa kanya ng mapait.

"Ayos lang ako. Punta muna ako sa CR, okay? Mauna ka na ring umuwi." Sabi ko sa kanya at tsaka ko siya tinalikuran.

Agad akong dumiretso sa comfort room at pumasok sa isang cubicle para doon ilabas ang sakit na nangingibabaw sa dibdib ko.

I cried silently, I don't want anyone to hear my agony. I am a strong woman. Hindi agad ako nagpapatalo, pero bakit pagdating dito napaluha niya agad ako? I admit. I am falling. Unfortunately, hindi niya ako nasalo. Umiyak ako dahil unang heartbreak ko 'to ng dahil sa isang lalaki at si Greg Joseff Montemayor pa ang dahilan.

Montemayor.

Kung hindi sana ako nagpadala sa mga pinagsasabi niya at mga pinaggagawa niya, hindi sana ako magkakaganito. Kasalanan mo rin Raisse. Nagpahulog ka kasi sa kanya, ang tanga mo.

I cried silently and after that. I fix myself, I look at the mirror and I made sure that there's no trace of any pain. I left the room after I assured that I am okay. That I look okay.

Kinuha ko agad ang gamit ko at nagmamadaling lumabas ng school. Ayokong makapatay ng wala sa oras. I need to talk to him, pero hindi ngayon. Ayokong kumausap ng tao ng galit ako dahil baka may hindi ako magawang tama at pagsisihan ko lang.

"Ang tagal mo namang lumabas!" Napaangat ang kilay ko sa sumalubong sa akin. Agad akong napalingon sa paligid at kita kong pinagtitinginan kami ng mga ilang dumadaan sa likod ng school. May gate pa kasi sa likod at mas gusto kong dito laging dumadaan dahil malapit lang sa apartment ko at kakaunti lang ang mga taong dumadaan.

"Huwag ngayon Sy." Sabi ko sa kanya at tsaka ko siya nilagpasan.

"Samahan mo naman ako, wala kasi akong kasama." Bigla akong natigilan sa sinabi niya.

"Please, samahan mo naman ako kahit ngayong araw lang." Napalingon ako sa kanya. At kahit na galit ang nananalaytay sa puso ko ngayon, nakaramdam pa rin ako ng awa.

Tinignan ko lang siya ng diretso sa mata. Matagal kaming nagtitigan at hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Kung bakit gusto ko na lang maluha bigla, kung bakit gusto ko na lang iiyak itong sakit na nararamdaman ko dito sa dibdib ko. Dito sa puso ko.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon