Chapter Thirty Three

591K 11.8K 740
                                    

THIRTY THREE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Marahan ko siyang itinulak pahiga sa kama ko upang makapagpahinga. Laking pasasalamat ko na lang at kahit papaano ay mayroon pa siyang lakas para makatayo at makalakad papunta sa kwarto ko, hindi ko rin kasi kaya ang bigat niya kahit na macho pa siya. Tinanggal ko lang ang Jordan shoes niya at itinira ang medyas niyang suot bago lumabas upang kumuha ng maligamgam na tubig. Kinuha ko rin ang sando niya na naiwan niya noon. Basa kasi ng pawis ang polo shirt niyang suot at kaylangan kong palitan, ayoko namang maghubad na naman siya at nawiwili na siya masyado.

Aaminin ko, galit pa rin ako sa kanya pero hindi iyon ang umiiral ngayon dito sa puso ko. Tanga na lang ang maniniwala kapag sinabi kong hindi ko na siya mahal dahil ang totoo, mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Pero natatakot ako na baka masaktan na naman ako kapag binigyan ko siya ng chance, sino ba naman kasing tanga ang gugustuhing masaktan ulit hindi ba?

Bumalik ako sa kwarto ko dala ang palangana ng maligamgam na tubig pati na rin ang sando niya. Pilit kong hinubad ang suot niyang polo shirt at nagtagumpay naman ako. Tumambad na naman sa akin ang macho niyang katawan, dinampian ko ng basang towel ang mukha niya pababa sa katawan niya. Aaminin ko na naiilang pa rin ako na hawakan ang katawan niya kahit pa lagi siyang nakayakap sa akin noon ng hubad. Sino ba naman kasi ang hindi maiilang kung ganito kaganda ang view?

"Hmmm." Ungol niya habang pinupunasan ko ng basang towel ang katawan niya. Pinunasan ko rin ang mabuhok niyang kilikili para siguradong hindi na siya pagpapawisan pa.

Pagkatapos kong linisin ang buo niyang katawan ay pilit ko namang isinuot ang sando niya. Hindi naman din ako nahirapan doon pero natigilan ako ng biglang dumapo ang mga mata ko sa mukha niya.

I sighed.

Matagal ko nang naamin sa sarili ko na gwapo talaga si Greg, pero bakit mas lalo pa siyang gumugwapo ngayon? Dahil ba sa may balbas na siya at bigote? Kung ahitin ko kaya 'yan?

Aaminin ko, na-miss ko si Greg. Na miss ko iyong pangungulit niya sa akin, iyong pagnanakaw niya ng halik kapag hindi ako nakatingin. Iyong bigla na lang niya akong yayakapin sa mula sa likuran at aamuyin ang leeg ko. Miss ko na rin ang mga araw na katabi ko siyang matulog at ang pagsimangot niya kapag inaasar ko siyang bading o hindi naman kaya ay payatot. Madali kasi siyang mapikon kaya masarap asarin pero kapag ako inaasar niya napapaiyak niya ako. Miss ko na lahat sa kanya.

Pero sa tuwing maaalala ko ang mga ginawa niya. Hindi ko mapigilang hindi magalit sa kanya at para bang bumabalik iyong sakit na naramdaman ko ng makita ko silang magkasama ni Gwen. Ang sakit lang, pero ano ba naman ako kung ikukumpara sa kanya? Walang wala, pero kahit na mayaman siya at gwapo. Wala pa rin siyang karapatan na manakit ng babae, lalo na kung mahal siya nito.

"R—Raisse." Sabi niya habang nakapikit pa rin. Hindi ko naman alam kung napapaginipan niya ako o hindi.

Parang awtomatikong gumalaw ang kamay ko at marahang hinawi ang makapal niyang buhok. Hindi ko alam pero gustong gusto kong ginagawa sa kanya iyon. Para kasing sumasaya ako kapag ginagawa ko sa kanya ang ganoon. One time nagtatampo siya sa akin at nakasimangot lang siyang nakaupo sa sofa ko. Ayaw niya akong pansinin kasi nilait lait ko iyong laro niya. Sabi ko ang baduy at para siyang bading kumilos tapos ayun nagalit siya, pero nang hinawi ko iyong buhok niya. Nawala ang galit niya at nagkabati kami. Gusto niya kasi na hinahawi ko 'yong buhok niya, tinatayuan daw siya kaya sinapak ko rin siya that time.

I sighed again.

Kung hindi lang talaga siya gago siguro kami pa rin hanggang ngayon. Bigla akong napatingin sa kamay niya, nandoon pa rin 'yong singsing na nakita ko sa kanya last time. Bigla ay binalot na naman ng tanong ang isipan ko. Bakit ba mayroon siyang singsing na suot?

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon