Chapter Twenty Six

607K 12.9K 1.5K
                                    

TWENTY SIX

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Tahimik at mag-isa lang akong kumakain sa canteen. Pinili kong kumain sa dulo upang makapag-isip ng maayos. May importante kasing gagawin si Dana kaya hindi ko siya ngayon kasama. Isang araw na ang lumipas at hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin.

I must admit, I miss him. Miss ko na ang kakulitan ni Greg at ang boses niya at ang mga kapilyuhan niya. Miss na miss ko na siya kahit pa isang araw pa lang ang nakakalipas. Gusto kong mag sorry sa kanya at magpaliwanag oras na makita at makausap ko siya. Alam ko na ako ang may mali at dapat akong humingi ng tawad sa kanya, he deserve that. Hindi naman porket babae ako, lalaki ang gagawa ng first move. Kung alam kong mali ako, ako ang gagawa at iyon ang gagawin ko ngayon.

Bigla akong natigilan ng biglang mahagip ng mga mata ko ang kakapasok lang na babae at lalaki. Tila binabayo ng martilyo ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

It's Greg with another girl.

Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko lalo na ng magtama ang mga mata namin at tila hindi niya ako kilala at umiwas lang siya ng tingin. They are holding each other hand at nakangiti silang pareho na tila masaya sa piling ng isa't isa.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko at kahit anong oras ay babagsak na ang mga luha ko. Pilit kong pinipigilan ang emosyon na nararamdaman ko, ang sakit na nararamdaman ko.

Umupo silang dalawa malapit sa kinaroroonan ko at hindi ko alam kung sinasadya nila 'yon dahil kitang kita ko sila mula sa pwesto ko. Kitang kita ko ang mga ngiti sa mukha nila at ang saya sa mga mata nila. Kitang kita ko kung paano ngumiti at kung paano makipag-usap si Greg sa babaeng nasa harap niya.

Nagseselos ako.

Ganoon na lang ba 'yon? Porket ba ako ang may kasalanan, maghahanap na lang siya bigla ng ibang babae? Akala ko ba mahal niya ako? Nasaan na 'yon? Palabas niya lang? Pakulo niya lang? Isang malaking biro niya lang?

Tila sinasak ng ilang ulit ang puso ko sa nakikita ko ngayon. He kissed her in her cheeks. I bit my lower lip to suppress my emotion, to hold it. Hindi ko kaya ang nakikita ko.

Hindi ko kaya dahil mahal ko siya.

At ang makita ang taong mahal mo na may kasamang ibang babae ay masakit, hindi pala. Sobrang sakit!

Hindi ko na kinaya pa ang sakit na nararamdaman ko sa huli kong nakita. Agad kong kinuha ang gamit ko at pagkalayong pagkalayo ko roon ay bigla namang bumagsak ang mga luha ko mula sa mga mata ko.

Traydor na mga luha.

Bakit naman siya ganoon? Sana naman kinausap niya ako kung ayaw na niya. Sana naman hindi na lang niya sinabi na mahal niya ako kung ganito rin lang naman pala ang mangyayari at sana naman hindi niya ako pinaglaruan.

Para saan ba ang ginagawa niya? Para ba ipamukha sa akin na wala akong halaga? Na wala akong kwenta? Na isa lang akong hamak na babae na napaibig niya? Na kaya niya akong paglaruan tulad ng iba pa niyang babae? O baka naman na challenge lang siya sa akin kaya niya ako sinubukan?

"I hate you Greg for doing this to me. I hate you." I said to myself. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makawala ang mga hikbi ko kahit pa nasa bakante akong classroom napadpad.

"I really hate you..." I said as tears escaped my eyes.

"I love you." Bigla akong natigilan ng marinig ko bigla ang boses niya mula sa likuran ko. Hindi agad ako nakakilos lalo na bigla niya akong yakapin mula sa likod.

"Alam mo ba na ang saya-saya ko ngayon dahil nalaman kong mahal na mahal mo ako? Ang saya ko ngayon dahil sa'yo Raisse." Sabi niya. Tila tumigil ang paligid ko dahil sa sinabi niya at para bang nawala na lang bigla ang galit at inis na nararamdaman ko kanina sa kanya.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon