Chapter Thirty Five

620K 12.8K 810
                                    

THIRTY FIVE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Tinignan ko si Greg na mahimbing na natutulog sa kama ko. Yakap yakap niya ang unan na palagi kong ginagamit at mahina rin siyang humihilik. Wala sa sarili akong napangiti habang napapailing. Wala na naman kasi siyang suot na damit at boxer shorts lang ulit ang suot niya. Marahil ay nakatulog agad siya sa dami ng pinagawa ko sa kanya. Pinagligpit ko rin kasi siya ng plato at pinaglinis ng kwarto ko bago pa siya makatulog. Nadatnan ko na lang siya na nakahiga at malalim na ang tulog.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama. Marahan kong hinawakan ang mukha niya. I traced every part of his face, his eyes, nose, including his lips. Tila ba kinakabisa ko ito na para bang ayaw kong makalimutan ang mukha niya. Wala sa sarili na naman akong napangiti.

Masaya ako kung ano siya, tanggap ko kung ano pa ang ugali niya. Kung ano siya, iyon ang nagustuhan ko sa kanya. Hindi dahil sa Montemayor siya o ano pa man. Nagustuhan ko siya dahil siya si Greg na makulit, pilyo, manyakis, asar talo at hindi siyempre mawawala ang bastos niyang bibig.

Handa akong patawarin siya.

Pero hindi ako handa sa mangyayari kung sakaling patawarin ko siya. Basta ang alam ko, may tiwala ako sa kanya. Pero dapat ko ng itatak sa isipan ko na hindi ako pwedeng hindi masaktan.

Mahal ko si Greg.

Aaminin ko na ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Iyong para bang napakahalaga niya sa akin. Na kahit anong gawin niyang pangit baliwala sa akin dahil nangingibabaw pa rin 'yong pagmamahal ko para sa kanya. Na kahit anong kulit, bastos, kamanyakan ang ipakita niya sa akin wala akong pakielam dahil kung ano siya, iyon siya. Hindi ko na mababago iyon. At hindi naman rason ang mga kamalain niya para hindi ko siya mahalin. Dahil hindi iyon ang minahal ko sa kanya, kung hindi siya mismo.

I looked at him again and I felt my heartbeat racing so fast. Siya lang ang nakakagawa nito sa akin at alam ko sa sarili ko na siya lang at wala ng iba pa.

Biglang nagmulat si Greg ng mga mata kaya bigla akong napaayos ng upo.

"M—Matulog ka pa, mukhang masarap ang tulog mo." Sabi ko sa kanya. Sa puntong ito ay mahinahon na ako hindi katulad kanina na tinatarayan ko lang siya.

"Tabihan mo ako." Sabi niya sa akin. Naramdaman ko ang pagwawala ng sistema ko sa sinabi niya.

"S—Sira ka talaga, matulog na nga ulit." Sabi ko sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Paano ba naman kasi kahit bagong gising ang gwapo gwapo niya.  

"Tabihan mo ako, yakapin mo ako." Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Direkta lang akong nakatingin sa mga mata niya at ganoon din siya. Hindi ko mawari kung ano ba ang iniisip niya o kung ano ba ang laman ng isipan niya. Ramdam ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko at pagwawala ng sistema ko.

At hindi na ako nagtaka ng bigla niya akong hapitin sa bewang at siilin ng halik.

Ipinikit ko ang mga mata ko at parang awtomatikong kumilos ang mga kamay ko at pumulupot iyon sa may leeg niya. Hinayaan ko lamang siyang gawin ang gusto niya sa mga labi ko hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa ilalim na niya ako.

I felt his tongue seeking for the entrance and I let him in. I let him invade my mouth again. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang sinasagot ang halik niya. Ang pagwawala ng sistema ko at ang init na nararamdaman ko. Wala na akong pakielam kung may makakita pa sa amin o wala. Hindi ko alam kung bakit ganito ako kasaya. Basta ang alam ko lang, nararamdaman ko ito kapag nandyan siya sa tabi ko. Bumitiw siya sa paghalik sa akin at tsaka ako tinitigan sa mukha. Ngumiti siya ng maluwag.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon