Chapter Fifteen

730K 14.8K 1.3K
                                    

FIFTEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Bwisit naman! Bakit ngayon pa umulan?" Sumilong agad ako sa waiting shed sa labas ng school ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Marami ring estudyante ang sumilong kagaya ko sa waiting shed ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan, marahil ay wala ring mga payong tulad ko.

Pwede ko namang takbuhin lang ang apartment ko mula dito pero sigurado akong basa ako at ang mga gamit ko kung tatakbuhin ko lang. Wala naman akong dalang payong at halos lahat ng mga teammates ko nagsiuwian na at wala na ring masyadong estudyante sa campus. Dyahe naman, bakit ngayon pa umulan.

Naghintay ako ng thirty minutes pero ayaw pa ring tumigil ng ulan. Mukhang babaha pa sa lakas ng ulan. Ayoko namang lumusong sa baha at magpaka dakilang tanga. Mabasa pa yung thesis paper ko sa bag!

"Nasaan na ba si Tito Arthur? Ang tagal naman ata!" Napalingon ako sa gilid ko ng may biglang magsalita. Pamilyar kasi ang boses niya.

"Bro, 'pano 'yan? Una na ako."

"Sige pre, hintayin ko na lang 'yung Tito ko." It's Greg. Kaya pala minamalas ako ngayong araw dahil sa manyakis na 'to.

"Hoy, ginagawa mo dito?" Napalingon naman siya sa akin ng magsalita ako.

"Bulag ka ba? Nakatayo." Masungit niyang sabi sa akin. Aba! Nagawa pa akong pilosopohin ng Montemayor na 'to.

"Alam ko, hindi ako tanga. What I mean is, bakit hindi mo ata dala ang precious sports car mo?" Tanong ko habang nakataas ang kilay.

"Ayoko kasing ipamukha sa'yo na mas dukha ka pa sa hardinero namin kaya hindi ko dinala." Aba, aba. Dukha man ako, mayaman naman ako sa kagandahan.

"Bakit? Ikaw ba ang bumili ng sasakyan mo? Kung makapagyabang ka akala mo napakayaman mo." Nainis tuloy ako bigla. Sana pala hindi ko na lang siya pinansin.

"Bakit? Masama na ba magsabi ng totoo? Masama na bang—"

"Hindi masamang magsabi ng totoo. Pero ikaw? Hindi ka naman nagsasabi ng totoo, nanlalait ka. Oo, pinanganak akong mahirap, pero hindi ibig sabihin 'non na habang buhay na akong mahirap. Oo, ikaw pinanganak ka ngang mayaman, pero sa tingin mo ba panghabambuhay ka ng mayaman? Kaya 'wag kang magsalita ng tapos." Tumalikod na ako sa kanya at naglakad. He really have the talent to hurt my feelings. Akala mo kung sino.

"Marquez!" Narinig ko ang boses niya sa may likuran ko pero nagtuloy tuloy lang ako ng lakad. Wala akong panahon para makipag-usap sa mga mayayabang na tulad niya.

"Marquez!" Hinarangan niya ang daraanan ko kaya napatingin ako sa kanya ng masama.

"Sorry, I shouldn't say that. Wala lang ako sa mood kaya ko 'yon nasabi sa'yo." Sabi niya sabay yuko.

"Sa susunod na magmamalaki ka, make sure na sa kapantay mo. Hindi 'yung sa tulad kong dukha lang sa paningin mo." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Sorry na. Hindi na mauulit." Nag-angat na siya ng tingin sa akin.

"At bakit? May balak ka bang ulitin 'yon?" Tinasaan ko siya ng kilay.

"W—Wala."

"Siguraduhin mo lang na hindi mo na 'to uulitin, maliwanag ba?" I crossed my arms para kunwari under ko siya.

"Oo na, hindi ko na uulitin." Saad niya.

"Good." Naglakad na ulit ako para umuwi pero pinigilan niya ako.

"P—Pwede ba akong sumama sa apartment mo? Hindi raw ako masusundo ng uncle ko dahil mataas na ang baha sa street na papunta dito." Sabi niya. Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon