Chapter Eleven

687K 14.8K 2.3K
                                    

ELEVEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Captain, tignan mo oh." Sabi ni Dana sabay nguso sa may bleachers. There, I saw Greg making out with Gwen. Hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa kanila. Kitang kita ko kung paano dumapo sa iba't ibang parte ng katawan ni Gwen ang mga kamay ni Greg. They were obviously engrossed to each other to the point that some of his teammates taking some pictures and video of them. Napailing na lang ako ng wala sa oras. Boys will be boys.

"Minsan Captain, napapaisip ako kung paano humalik ang isang Montemayor." Napataas ako ng kilay sa sinabi ni Dana. Nagpapahinga kami ngayon dahil kakatapos lang ng practice namin at nagsiuwian na ang iba ko pang mga teammates.

"Huwag mong sabihin na may gusto ka kay Greg?" Tanong ko.

"Wala akong gusto sa kanya, may kilala rin kasi akong Montemayor when I was in highschool. Playboy din na kagaya ni Greg. One time, I caught him and his girl making out in the empty room. They were almost having sex." She said. Napailing na lang ako ng maalala kong nahuli ko si Greg na may ka-sex sa unit niya at ang muntikan na niyang mabiktimang nurse.

"Hayaan mo sila, gusto naman nila 'yon. Alam mo naman ang mga lalaki, walang nawawala sa kanila. Sa atin? Marami. And sometimes, pati puso natin nakukuha nila." Tumingin ulit ako sa mga basketball players na nagpapahinga rin katulad namin.

"Pero Captain, bakit may mga babaeng ayos lang sa kanila ang ganoon relasyon. Yung one night relationship lang." Tanong sa akin ni Dana.

"Ano ba palagay mo sa akin Dana? Stripper? Magtigil ka nga!" Suway ko sa kanya. Tumingin ulit ako sa kanila at hindi ko sinasadyang mapatingin sa pwesto ni Greg na nakatingin din sa akin.

It's been four days since we last talked. Hindi pa siya nagpaparamdam hanggang ngayon sa akin at hindi ko alam kung bakit. Parang umiiwas siya at sa tuwing makikita ko siya may kahalikan siyang babae. I wonder if Gwen know about his affairs.

"Captain, yung asawa mo papalapit dito." Natigilan naman ako sa pag-iisip ng makita kong papalit sa pwesto namin ni Dana si Miguel wearing a very sexy smile. I gulped hard as he walks like a model. Para siyang model ng jersey dahil sa suot niya. Labas na labas ang makinis at maputi niyang balat. Pag nagkaroon lang talaga ako ng pagkakataon na masolo siya, I swear susulitin ko na at hindi ko hahayaang gumamit siya ng condom.

"Hi." He said. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong magtatatalon at sabunutan si Dana ng bigla siyang tumabi sa akin. Amoy na amoy ko ang katawan niya kahit pa basa iyon ng pawis. Ang bango bango pa rin kasi niya kahit na kanina pa sila naglalaro ng basketball. Bigla tuloy akong na-concious kung amoy pawis na ako.

"M—Miguel, ikaw pala 'yan." Ngumiti ako pero deep inside kinikilig ako. Mamaya ako magtatatalon sa C.R.

"Matagal din tayong hindi nagkausap. Busy kasi ako sa family gatherings." He said. Ayos lang basta sa akin ka pa rin uuwi pagkatapos ng araw. Iniintay ka kasi ng mga anak natin at miss na miss na nila ang daddy nila at miss na rin kita. Kinikilig ako paksyet.

"Ah, kaya pala hindi kita masyadong nakikita sa practice." Sabi ko.

"Oo nga, hindi tuloy kita mapanood mag-practice." Ngumiti siya ng maluwag kaya mas lalong nawala ang singkit niyang mga mata.

"Bakit mo naman ako panonoorin?" Painosente kong tanong. Kunwari good girl.

"Ewan, basta gusto lang kita mapanood, para kasing sumasaya ako kapag pinapanood kita." I gulped. Kapag hindi talaga ako nakapagpigil ng kilig, sisigaw ako ng wala sa oras.

"Niloloko mo na ata ako eh." I said. Sinuntok ko siya ng mahina sa braso na ngayon ay kitang kita ko ang biceps niya. Pasimpleng chansing. #Damoves101

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon