Chapter Twenty Two

649K 13.5K 1.3K
                                    

TWENTY TWO

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Ehem."

Bigla kong naitulak ng malakas si Greg ng may marinig akong boses sa likuran namin. Nadala ako sa paghalik niya sa labi ko at hindi ko napigilang hindi gumanti at nakalimutan ko na baka mayroong makakita sa amin.

Pakiramdam ko ay biglang umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko sa sobrang kahihiyan. Wala sa sarili kong hinawakan ang kamay niya ng mahigpit at tsaka tumungo.

"Greggy boy! Kumusta na? Mukhang nag-eenjoy ka diyan ah." Rinig kong sabi nung lalaki. Kahit nahihiya ay nag-angat ako ng mukha at tinignan kung sino iyon.

Hindi ko napigilan ang hindi humanga sa lalaking nasa harap namin ngayon. Guwapo ito katulad ni Greg at talaga namang lalaking lalaki ang dating sa suot na fitted white v-neck shirt at board short. Kumindat ito sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

"C'mon Tito Gian, you have Tita L.A. She's mine!" Maktol ni Greg at tsaka sumimangot.

"Oo na! Ang damot nito sa girlfriend. Ano bang pangalan mo Ms. Tisay?" Napukaw naman ang atensyon nito sa akin.

"I am Raisse Miracle at h—hindi po niya ako girlfriend." Bigla kong nasabi. Natigilan naman ang lalaking nasa harap namin.

"Hindi pa?!" Hindi makapaniwala nitong tanong.

"Nililigawan pa lang po niya ako." Sabi ko ng may ngiti. Tumawa naman siya ng malakas habang sumimangot lang si Greg.

"Stop lauging Uncle! Magiging kami rin!" May kumpiyansa niyang sabi.

"Ang bagal mo dumiskarte! Kung ako sa'yo galingan mo ang panliligaw dito kay Raisse at mukhang under ka ah." Sabi nito at tsaka tumingin sa kamay naming magkahawak.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako naiilang na magkahawak kami ng kamay. Ang lambot kasi ng kamay niya parang sa babae kaya ang sarap hawakan.

"Hindi naman ako under siya nga under ko." Halos pabulong na sabi ni Greg. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sus, ako pa lokohin mo. Ako nga under ng Misis ko, tatay mo under, si Arthur under ng Tita Sindy mo at lalo naman si Levinn under na under! Tapos ikaw hindi? Lokohin mo 'yung tatay mo hindi ako!" Hindi ko napigilan ang hindi mapatawa. Sinimangutan lang ako ni Greg at ningitian naman ako ni Tito Gian.

"Pumasok ka na sa loob at kanina ka pa hinihintay ng Lolo Gabriel at ang daddy mo parating na rin. At ikaw naman Ms. Beautiful, pahirapan mo 'tong isang 'to ah? Balita ko babaero 'to sa Manila kaya pahirapan mo." He said then he winked at me.

"Uncle!" Maktol ni Greg. Tumawa lang si Tito Gian at tsaka umalis.

"Ang cute n'yo, para lang kayong magkabarkada." Sabi ko sa kanya. Pero nakasimangot pa rin ang mukha niya.

"Tss." Sabi niya. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko pero hindi siya nakatingin sa akin.

"Montemayor, 'wag ka ng sumimangot diyan. Sige ka, hindi ka na gwapo sa paningin ko." Sabi ko at tsaka ngumiti. Humarap naman siya sa akin at bigla akong hinalikan sa pisngi. Hindi na ako nagulat ng gawin niya iyon.

"Oo na, hindi na ako sisimangot. Baka mamaya pa niyan maghanap ka ng iba." Sabi niya. Unti unti namang sumilay ang ngiti sa mukha niya kaya napangiti na rin ako. Marahan kong pinisil ang ilong niya.

"Kunwari ka pa Montemayor, gusto mo lang akong ka-holding hands. At tsaka namumuro ka na. Puro ka na lang halik ng halik. Pasalamat ka nandito ka sa teretoryo mo." I narrowed my eyes on him.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon