Chapter Nine

729K 15K 2.4K
                                    

NINE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Ano ba?!" Isang batok ulit ang tinanggap niya nang sigawan niya ako. How dare him to say those word. Wala siyang karapatan na ipamukha sa akin na mas gwapo siya kay Miguel!

"Conceited mo masyado Montemayor! Sarap mong sakalin." Sigaw ko rin sa kanya.

"Bakit? Totoo naman di ba? Mas gwapo ako sa kanya! Alam mo ba 'yon?!" Nangigigil talaga ako sakalin ang isang 'to. Naku, kung wala lang talaga akong atraso sa gagong 'to matagal ko na siyang binayagan ng tumino tino.

"Hindi ko pa alam. At oo, sabihin na nating mas gwapo ka nga kay Miguel pero hindi siya bastos tulad mo!" Akala niya ha!

"Ako bastos? I am not! Lalaki lang ako at walang bastos kapag lalaki!" Mariin niyang sagot.

"Ah 'ganon? So gusto mo ba isa-isahin ko lahat ng kabastusan slash kababuyan mong ginawa sa akin?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sige! Kahit wala naman akong natatatandaan!" Hamon niya sa akin. Aba, sinusubukan talaga ako nito.

"Sinong gago ang naglagay ng gamit na condom sa locker ko? Sino?!" Namula siya bigla sa sinabi ko at sandaling nag-iwas ng tingin.

"A—Aksidente 'yon! Akala ko sa basurahan ko naihagis!" Dahilan niya.

"Ano pagalay mo sa locker ko? Basurahan? Hayop ka ah!" Hindi ako nakapagpigil na nasubutan siya. Sa buong buhay ko, malinis akong tao. Tinuruan ako ng nanay ko na maging malinis dahil babae ako tapos aakalain niyang tapunan ng gamit na condom ang locker ko? This jerk has a talent to annoy me! Wala na akong pakielam kung line pa niya 'yon!

"At sinong gago ang nag pasa sa akin ng sex video niya kasama ang isang babae na napulot niya lang sa kung saan?!" Naiinis ako kapag naaalala ko iyon! Halos pagtawanan ako ng buong klase ng i-play ko ang video na 'yon. Akalain ba nilang malibog ako dahil may sex video ako sa phone ko? Kaya kahit nandidiri ako, pinanood ko ang videong 'yon at si Greg ang nakita ko. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. Akala niya!

"N—Nagkataon lang na bukas din ang bluetooth mo! Kay Sheen ko iyon ipapasa, aksidente lang na sa'yo ko naipasa! At tsaka si Glaizer iyon hindi kung sinong babae lang!" Palusot niya ulit. Akala naman niya hindi ko natatandaan na hiniram niya that time ang phone ko at may titignan lang daw na number ng kaklase ko na maganda. Nakakagigil kapag naaalala ko ang mga bagay na 'yon!

"Talaga? Eh bakit mo nilagyan ng brief mo ang bag ko 'non?! Sabihin mong aksidente lang din? Kasi akala mo basurahan ang bag ko at aksidente lang din dahil akala mo bag ng kung sinong ponsyo pilato ang bag ko?!" Ang sarap niyang ibenta sa mga bading! Nakakainis!

"Sinadya ko 'yon, dahil pinagkalat mong mabaho ang pare ko!" Natigilan ako. Isang beses kasi niloko ko si Dana na mabaho ang ano niya pero may mga nakarinig sa likod ko hanggang sa kumalat na ng kumalat at ako raw ang pasimuno. Malay ko bang tatanga tanga ang mga tao sa paligid ko at naniwala naman sa sinabi ko. Hindi ko na kasalanan iyon.

"Bwisit ka!" Sigaw ko sa kanya. Wala talaga akong mapapala kapag kausap ko 'tong Montemayor na 'to. Inuubos niya lang ang pasensya ko at ang ganda ko sa mga pinagsasabi niya.

Nagulat ako ng bigla niya akong itulak papasok sa loob ng sasakyan niya. Gusto ko sanang magpumiglas pero naalala kong may usapan kaming dalawa. Pumasok na rin siya sa sasakyan.

"Pupunta tayo sa unit ko, may dapat tayong pag-usapan." He said then he started the engine at tsaka umalis ng school.

"Sabi ko sa'yo bawal kang mag-boyfriend." He said. Nagmamaneho lang siya ng seryoso nang bigla siyang magsalita.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon