Chapter Thirteen

684K 14.7K 2.2K
                                    

THIRTEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Ang init naman, sarap maghubad." Natuon ang pansin ko sa biglang pagsulpot ni Greg sa gilid ko. Sando at board shorts ang tanging suot niya. May suot din siyang RayBan na shades.

"Ang init talaga." Sabi niya sabay hubad ng sando niyang suot. Tumambad sa harap ko ang mala-greek warrior niyang katawan. Ginawa niya ring pampunas ang sando niya ng katawan niya at parang nang-aakit pa siya na ewan. Sus, kahit maghubad pa siya sa harap ko hinding hindi ako maaakit sa kanya no!  

"Ang yabang akala mo kung sinong gwapo." Pabulong kong sabi sa sarili ko. Ayaw ko muna kasing maligo tulad ng iba. Pinauna ko na rin si Miguel sa dagat at sabi ko naman na ayos lang ako dito sa duyan at magliwaliw muna siya.

"May sinasabi ka Marquez?" Sabi niya.

"Andyan ka pala, akala ko puno ng niyog." Bigla namang sumama ang mukha niya sa sinabi ko.

"Tss. Kunwari ka pa pero nakita kitang tumitingin sa katawan ko. Free to touch it, kung gusto mo pwede kitang dalhin sa kwarto namin para hindi mo lang mahawakan, matikman mo na rin." Sabi niya sabay kindat sa akin, iniripan ko lang siya. Laking gulat ko ng bigla siyang tumabi sa akin sa duyan kaya umuga ito at muntikan pa akong mahulog.

"Ano ba?! Muntikan na akong sumubsob sa buhanginan!" Sigaw ko sa kanya. Ngumisi lang siya ng nakakaloko.

"Alam mo kasi Marquez, aminin mo ng mas macho ako kay Miguel. Gusto mo patunay?" Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang kamay ko at ipahawak sa abs niya. Naramdaman ko ang katigasan ng abs niya kaya agad kong binawi ang kamay ko. Para kasing biglang nag-init yung paligid ko.

"Tignan mo namula ka pa. Hayaan mo kapag tapos na ako kay Gwen, pwede mo na akong tikman." Sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano palagay mo sa akin desperada? Reserve mo? Excuse me. Kahit 'wag na, may Miguel na ako." Sabi ko sa kanya.

"Tsk. Kapag talaga naasar ako, gagahasain kita ng mabuntis ka na. Tignan mo lang kung patulan ka pa ni Miguel." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Hindi ka ba nandidiri sa sinasabi mo? Bakit ba puro sex na lang ang nasa utak mo?" Sabi ko. Nagulat ako ng bigla siyang umakbay sa akin.

"Alam mo kasi Marquez. Walang lalaki ang hindi tatayuan sa babaeng hubad." Sabi niya. Aba, 'yun pala ang motto niya.

"Sa baklang hubad? Tinatayuan ka?" Tanong ko. Bigla naman siyang napatayo sa sinabi ko.

"Ano ba 'yang iniisip mo! Mandiri ka nga!" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Malay ko ba, baka kasi pati bading pinatulan mo na sa sobrang manyak mo." Sabi ko.

"Pag hindi ka nagtigil, gagahasain kita. Sige ka." Banta niya.

"Di gahasain mo." Hamon ko sa kanya. Sumilay naman ang nakakalokong ngiti sa mukha niya.

"Gusto mo? Tara sa kwarto, bibilisan lang natin. May dala naman akong condom sa bag." Aba, ready ang pare niya. Boyscout!

"Ayoko nga. Masira pa kinabukasan ko at mahawa pa ako sa'yo ng sakit." Inirapan ko siya at itinuon ulit ang pansin ko sa mga lumalangoy sa dagat. Ang tagal namang bumalik ni Miguel.

"Wala naman akong sakit at tsaka sa akin mo rin naman ibibigay 'yan. Kaya hanggat maaga ibigay mo na. Practice makes perfect! Maganda pa magiging lahi ng mga anak natin." Seriously? Feeling niya talaga papatulan ko siya?

"Alam mo Greg, wala akong panahon sa mga paandar mo. Pagod ako." Sabi ko ng mahinahon. Kagabi kasi, akala ko seryoso si Miguel. Iyon pala hindi. Na-dissapoint ako ng sobra kaya wala ako sa mood.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon