Chapter Twenty Eight

583K 11.5K 1.1K
                                    

TWENTY EIGHT

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Bigla akong nakadama ng kaba sa biglang pagdating ni Gwen. Marahan ko siyang tinignan at mababatid kong may nagbago sa kanya.

"Why we need to talk in private? Bakit hindi mo na lang sabihin sa harap ng girlfriend ko?" Mariing sabi ni Greg kay Gwen. Tila parang binuhusan naman si Gwen ng napakalamig na tubig sa sinabi ni Greg dahil natigilan ito.

"Please Greg, I want to talk with you in private." Nagmamakaawang sabi nito kay Greg.

"I don't want to talk—" Pinutol ko ang sana'y sasabihin ni Greg.

"Go, talk to her. May tiwala naman ako sa'yo." Sabi ko kay Greg at tsaka ako ngumiti ng maluwag sa kanya. Tinignan naman niya ako na tila nagtatanong kung sigurado ba ako sa sinasabi ko.

"Babalik din ako, okay? I love you." Bigla ay para na namang binayo ang puso ko sa sinabi niya.

"Ikaw nag papasweet ka na naman." Sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"Parang naglalambing lang." Sabi niya at tsaka sumimagot.

"Sige na, pwede ka na pumunta sa apartment ko mamaya. Alam ko 'yang mga galawan mong 'yan." Sabi ko sa kanya. Bigla namang nagliwanag ang mukha niya at walang sabi sabing hinalikan ako sa labi.

"Mamaya ah, sabi mo 'yan!" Sabi niya at tsaka tumalikod sa akin at hinaharap si Gwen.

"Where do you want us to talk?"

"Follow me." Gwen said and then they turned their back at me and walked away.

I sighed.

Bakit nakakaramdam ako ng kaba ngayon? Bakit pakiramdam ko ay mayroong hindi magandang mangyayari?

I sighed again for one last time.

"What's with the sigh?" Bigla akong napalingon sa taong nagsalita sa may likuran ko.

"M—Miguel."

"Kamusta na?" Marahan niyang tanong sa akin.

"A—Ayos lang ako. Ikaw?"

"Huli na pala ako. I already heard about the news." He smiled painfully.

"M—Miguel."

"It's okay. Tanggap ko namang wala akong laban kay Greg. After all, alam ko namang siya rin ang gusto mo." He said.

"I—I am sorry." I said.

"You don't need to say sorry. Masaya ako para sayo at sana maging masaya ka rin sa kanya." He gave me a smile.

"Miguel."

"I need to go, bye Raisse. Sa susunod na lang ulit." He said then he walked away.

Naiwan lang akong nakatanga roon.

****

Makailang ulit na akong tumingin sa orasan sa dingding pero wala pa rin si Greg. It's already seven thirty in the evening at wala pa rin siya. Hindi rin siya nag tetext o tumatawag man lang. Ngayon pa lang ay nakakaramdam na ako ng kaba. Kanina pa kasing tanghali ng mag-usap sila at hanggang ngayon ay wala pa si Greg.

Muli kong tinignan ang screen ng phone ko pero wala pa rin ni isang text o tawag akong natatanggap. Sana lang talaga at walang masamang nangyari kay Greg.

Ipinikit ko na lang ang mata ko at isandal ang likod ko sa sofa hanggang sa unti unti akong dalawin ng antok.

Nagising ako sa magkakasunod na katok mula sa labas ng pinto ng apartment ko. Dahan dahan akong nagmulat ng mata at inaninag ang orasan na nakasabit sa batong ding ding ng apartment na tinutuluyan ko. Pasado alas diyes na ng gabi. Mahigit dalawang oras din pala ang naging tulog ko.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Onde histórias criam vida. Descubra agora