Chapter Thirty Nine

512K 10K 2.9K
                                    

THIRTY NINE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Unti-unti kong minulat ang aking mata na tila ba nagising ako sa isang panaginip. Doon ay biglang gumihit sa sistema ko ang pananakit ng buo kong katawan. Sa tagpo ring iyon ay nalaman kong nasa isa akong puting kwarto.

Pilit kong ipinapasok sa isipan ko na isa lamang itong panaginip, pero agad na nabasag iyon ng lumaglag ang kumot na tanging tumatakip sa buo kong katawan at ng maramdaman ko ang mas pananakit sa ibabang bahagi ng katawan ko ay siyang nagpasok sa isipan ko na binaboy ako.

Tears escaped my eyes as the reality hit me. I was a waste last night. Binaboy ako ng kung sinong demonyo.

Mas lalo akong napaiyak ng makita ko ang pulang dugo sa puting kutson ng kama. Hindi ko kinaya ang nangyari sa akin, na para bang gugustuhin ko na lang na mamatay kesa sa binaboy ako ng kung sinong demonyo.

Biglang bumukas ang pintuan ng banyo at mula roon ay lumabas ang lalaking nambaboy sa pagkatao ko. Ang lalaking sumira sa pagkatao ko sa nakaaraang gabi. Nanalaytay ang galit sa buo kong pagkatao ng maisip ko na siya ang lalaking sumira sa akin.

It's him, Cedric.

Ibinalot ko sa buo kong katawan ang kumot na nasa gilid ko. Wala itong suot na pang-itaas at tanging kupas na pantalon lamang ang suot nito.

"You are now awake." He grinned like a devil. Pinulot nito ang damit na nagkalat sa sahig at tsaka isinuot.

"B—Bakit? Bakit mo nagawa 'to sa akin? Pinagkatiwalaan kita!" Hindi ko magawang tumayo para saktan siya. Tila ba naubos na ang lakas ko sa pag-iisip pa lamang na sira na ako.

Tumawa siya ng pagak. "That's the point, nagtiwala kayo agad sa akin. Napakinabangan ko rin pala ang feelings ng bestfriend mong tanga. I even fvcked her like you. I made her scream my name again and again. Buti nga napagtyagaan pa kita eh." Sabi niya.

Patuloy na kumakawala sa mga mata ko ang luhang galit at sakit ang dahilan.

"Kung babalakin mo rin lumaban, huwag mo ng subukan. Siguro naman alam mo na Gobernador sa bayan n'yo ang lolo ni Lavenia? Kung babalakin mong lumaban, masasaktan lang ang nanay mo. Baka nga ipapatay pa ang nanay mo kung sakaling manlaban ka. At wala ka ring pera, ibidensya o ano pa man. Talo ka Raisse kung lalabanan mo pa kami. Pero kung gusto mo naman lumaban, go. Take the consequences." He laugh, a devil laugh.

Ang nanay ko, hindi maaari.

"At kung ako sa'yo, layuan mo na rin si Greg. Para matahimik na 'yang buhay mo. Akala ko pa naman may nangyari na sa inyo ni Greg, swerte ko na lang at ako pa ang nakauna sa'yo." Ngumisi ulit siya na parang demonyo.

"Hayop ka! Ang sama mo! Ang sama sama mo!" Sigaw ko sa kanya at kasabay noon ay ang pag-uunahan ng mga luha ko na tumulo.

"Hindi ako masama Raisse, masamang masama ako." Sabi niya sa akin.

"H—Hindi ko inakalang ikaw pa ang gagawa nito sa akin, b—bakit ikaw pa?"

"Maybe, I am good fucking a virgin." He said then he showed me his demon smirk.

He suddenly throwed bills in the bed.

"Thank you for the sex last night. Don't worry, bayad na 'tong kwarto na 'to. Bayad ko 'yan sa'yo." Then he left the room. 

And I felt like a whore.

Wala akong nagawa kung hindi ang iiyak na lang lahat ng sakit, galit, pandidiri at takot na nararamdaman ko. Ano'ng nangyari? Bakit naging ganito ang lahat? Bakit sa isang gabi lang ay nasira ang buo kong pagkatao? May nagawa ba akong mali? Nagmahal lang naman ako ah?

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon