Chapter Twenty One

699K 13.8K 2.2K
                                    

TWENTY ONE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Halos umabot sa kisame ang kilay ko dahil sa taas nito. I crossed my arms around my chest and look at him. He is smilling very wide. Sabado ngayon at kauuwi niya lang kanina at ngayon ay nandito na naman siya.

"Ano'ng ginagawa mo dito, Mister?" Mataray kong tanong sa kanya. Halos apat na oras lang ng umalis siya dito tapos ngayon nandito na naman siya? Mukhang namimihasa 'tong lalaking 'to ah.

"Aakyat ng ligaw." Kaswal na sabi niya habang nakangiti. Napataas ulit ang kilay ko.

"Ligaw?"

"Oo, ito nga oh dala ko para sa'yo." Sabay abot niya sa akin ng isang balot na flat tops. Nanlaki ang mata ko sa inabot niya.

"Flat tops? Seryoso ka?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"Oo, 'yan lang 'yung mura sa grocery store eh. Dapat nga hany bar kaso masyadong cheap naman kung 'yon lang. May choco choco rin kaso pambata naman masyado kaya 'yan na lang." Proud na proud niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin.

Kung hindi ko lang talaga gusto ang lalaking 'to, matagal ko na 'tong sinipa. Seriously, sino'ng lalaki ang manliligaw na ang dala ay flat tops? Kung hindi ba naman siya siraulo at hindi man lang niya inisip na pwede siyang mabasted kapag 'yon ang ibinigay niya sa babaeng nililigawan niya. Wala sa sarili akong napailing habang nakatingin sa kanya. Kahit kaylan talaga Montemayor!

"Tsaka may dala rin pala akong bulaklak." Dagdag pa niya at tsaka siya bumalik sa sasakyan niya.

Halos manlaki ang mata ko ng makita ko siyang pabalik na at may bitbit na paso ng cactus na may flowers. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa mga ginagawa niya lalo na ngayon. Minsan nga gusto kong mapatanong sa sarili ko kung normal ba talaga siya o hindi.

"Nakita ko lang 'to sa may entrance ng condominium, mukhang maganda kaya kinuha ko at tsaka para hindi na ako bumili ng mamahaling bulaklak. Kung gusto mo ilagay mo na lang diyan sa may pintuan at diligan mo araw-araw para mabuhay." Sabi niya habang nakangiti.

"Wala ka talagang kwenta 'no? Ikaw lang talaga Montemayor ang bukod tanging lalaki sa Pilipinas na nanligaw ng ganito. At tignan mo nga 'yang itsura mo, bakit board shorts at sando lang ang suot mo?" Binibigyan talaga ako ng konsumisyon ng lalaking 'to eh. Ang tanda tanda na, umaaktong parang bata!

"Hindi nga kasi ako marunong manligaw." Dahilan niya. Huminga lang ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Wala akong mapapala kapag pinatulan ko pa ang bata niyang isip.

"Pumasok ka na sa loob, bago ka pa magahasa diyan sa labas." Sabi ko sa kanya. Sumilay naman ang ngiti sa mukha niya sa sinabi ko.

"Success!" Narinig kong sabi niya ng makapasok sa loob ng apartment ko.

"Alam mo minsan, gusto na kitang ikulong sa sobrang kulit mo. Kanina lang nandito ka ah? Ano na namang ginagawa mo dito?" Sabi ko sa kanya. Inilagay ko sa maliit kong refrigerator 'yung binigay niyang flat tops.

"Miss ko na kasi ang mabango kong girlfriend!" Sabi niya sabay biglang yakap sa akin mula sa likod. Walang pag-aatubiling siniko ko siya sa tiyan ng malakas kaya napabitiw siya ng yakap.

"Excuse me, hindi pa kita sinasagot at wala akong balak sagutin ka kung ganyan ka manligaw." Sabi ko sa kanya.

"Sus, pakipot ka pa. Baka nga nung umalis ako kanina, nagtatalon ka sa kilig. Kilala ko kayong mga babae." Umupo siya sa lumang couch ng apartment ko.

"Asa ka pa, feeling mo naman ang gwapo mo masyado at patay na patay ako sa'yo." Kahit kaylan talaga ang taas ng tingin sa sarili.

"Oo nga pala, hindi mo ko boyfriend. Asawa mo pala ako." Sabi niya ng may ngisi sa labi.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon