Chapter Forty One

525K 11.7K 1.3K
                                    

FORTY ONE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Isang lingo.

Isang lingo ko nang hindi nakikita si Greg at isang lingo na rin akong nangungulila sa kanya. Hindi pa rin ako tumitigil, patuloy pa rin akong pumupunta sa unit niya at hihintayin siya doon kahit na alam kong walang darating. Dahil umaasa ako na magiging maayos ang lahat, na mapapatawad niya ako, na hindi galit ang mararamdaman niya sa akin sa oras na umalis na ako.

Mahal na mahal ko si Greg. At handa kong gawin ang lahat, desperada na kung desperada. Pero ayokong sa paghihiwalay namin, galit ang nararamdaman niya sa akin. Siya ang unang lalaking minahal ko at patuloy ko pang mamahalin at hindi na magbabago iyon.

Greg is the first man who let me feel the word love.

Dati akala ko ang love ay isang salita lang na may apat na letra. Pero nang dumating siya sa buhay ko, mas naging makabuluhan iyon. Oo, magkaaway kami sa lahat ng bagay. Kahit simpleng pwesto noon sa canteen ay pinag-awayan na namin, kahit nga kulay noon ng ballpen ay muntik na kaming magkabugbugan dahil mas gusto niya ang black ako blue. May mga araw rin na talagang buong araw kaming nagkakasagutan, nagbabayangan o hindi naman kaya ay nagpapayabangan. Lahat ng iyon, doon nagsimula at natapos lang sa hindi magandang pangyayari.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kalangitan, pinagmasdan ko iyon. Hindi makulimlim at hindi rin gaano maliwanag, sakto lang. Tahimik at parang pinagmamasdan lang ang mga tao sa paligid na para bang nakikita niya rin ako pati na siya.

Marahan kong pinahid ang mga luha ko.  

Ganito na lang ba? Iiyak na lang ba ako buong magdamag kapag naaalala ko siya? Ang mga araw na kasama ko siya? Oo, aaminin ko, ilang buwan lang kaming magkarelasyon pero ilang taon na kaming magkasama. Nakilala ko na siya ng lubos, ang ugali niya, ang mga tantrums niya. Lahat sa kanya, kilala ko na. Pati nga mga kamanyakan niya at kababuyan niya sa buhay alam ko eh, but despite of those things. He seems perfect to my eyes. I don't know, but those imperfections he has were perfect in my eyes. Na kahit ano pang pangit sa kanya ay baliwala sa akin. Ganoon nga ata talaga kapag nagmamahal ka.

Masasaktan ka.

Pinagmasdan ko ang paligid ko. Maraming tao at karamihan doon ay mga magkasintahan na tila ba masaya sa piling ng isa't isa. May mga magkakaibigan rin na nagtatawanan, nagseselfie, nagkukulitan, nag-aasaran, nantitrip, naghahanap ng guwapo at kung anu-ano pa.

Pero ako, mag-isa lang at iniisip kung babalik pa ba kami sa dati. Yung siya at ako, iisa.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa damuhan ng field at lumakad na patungo sa susunod kong klase. Pilit ko lamang iniignora ang mga tao sa paligid kahit pa na binibigyan nila ako ng kakaibang tingin. Wala na akong pakielam sa kanila, ang akin lang makausap ko si Greg. Kahit pa magmakaawa ako sa harap niya para lang mapatawad niya ako. Handa kong ibigay ko sa kanya ang lahat ng mayroon ako, basta mapatawad niya lang ako.

Pero hinding-hindi ko sasabihin sa kanya ang nangyari sa akin dahil alam kong ikapapahamak niya iyon. Ayokong pati siya masaktan, ayokong pati siya madamay. Ayos na 'yong ako lang, 'wag na sila, 'wag na siya.

Malapit na ako sa classroom ko ng bigla akong matigilan ng mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na bulto na papunta sa akin.

Si Greg.

Halos lahat ng mata ay sa kanya nakatingin habang naglalakad siya ng taas-noo. Sa loob ng isang lingo, nakita ko rin siya. Sa loob ng ilang araw na pag-iyak ko, alam ko na rin na maayos siya. Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko pero marahas ko agad iyong pinahid.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon