Chapter Forty Five

702K 13.3K 1.2K
                                    

FINAL CHAPTER

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tila tumigil ang paligid ko ng marinig ko ang pamilyar niyang boses. Naramdaman ko agad ang pangingilid ng mga luha ko sa gilid ng mata ko. Hindi ko rin magawang makagalaw upang harapin siya. Tila ba nababalot ako ng yelo at hindi ako makakilos.

"Hindi ka aalis Raisse, sa akin ka lang. Sa akin lang." Ramdam ko ang pagmamahal sa boses niya at ramdam ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

Tama siya, sa kanya lang ako. Siya lang ang lalaking nagmamay-ari sa akin at wala ng iba pa. 

I slowly turned myself at him and when I met his green eyes. My tears suddenly fell. I couldn't believe that I am going to love this man. I couldn't believe that I am going to give everything I have to him. Hindi ko lubos maisip na kaya kong mahalin ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

Na kaya ko pa lang mahalin ang isang Greg Joseff Montemayor.

"B—Bakit ka nandito? A—Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang patuloy na bumabagsak ang mga traydor kong luha.

"I am going to claim you." Diretso niyang sabi sa akin habang diretso rin siyang nakatingin sa mga mata ko.

"G—Greg, para saan pa? Masasaktan lang tayong dalawa!" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Tama naman eh, kapag pinagpatuloy lang namin 'to. Parehas lang kaming masasaktan. Patuloy lang naming masasaktang ang isa't isa.

"Masasaktan lang natin Greg ang isa't isa. Umalis ka na, iwan mo na ako. Pabayaan mo na ako. Napatunayan ko na naman sa'yo hindi ba? Naibigay ko na sa'yo kung ano'ng mayroon ako Greg. Ibinigay ko na sa'yo ng buong-buo ang pagkatao ko, Greg. Mahal na mahal kita pero hindi tayo para sa isa't isa." Para akong pinalaso ng ilang ulit sa dibdib sa sinabi ko. Maisip ko pa lang na may iba siyang mahal, pinapatay na ako ng selos.

Natatakot ako na maulit ang lahat, na baka mas miserable pa ang mangyari kung sakaling ipagpatuloy pa namin. Natatakot ako na baka masaktan ko ulit siya, na baka sa pagkakataong ito. Hindi lang siya ang masaktan ko. Ayos ng ako lang, 'wag na sila. Huwag na siya. Mas pipiliin ko pang sarilihin na lang ang sakit na nararamdaman ko kesa pati siya ay masaktan din.

Wala akong narinig mula sa kanya. Tahimik lang siya na diretsong nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang nasa isip n'ya.

"Itigil mo na 'to Greg, masasaktan ka lang." Sabi ko sa kanya. Pero wala pa rin, blanko pa rin ang mukha niya.

"Ano ba?! Greg naman eh! Itigil mo nga kasi sabi 'to!" Hindi ko mapigilang sigawan siya.

"Hindi ka ba magsasalita?! Sabi nang sumagot—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong hapitin at bigla na lamang siilin ng halik.

My world suddenly stopped when his lips touch mine. Naramdaman ko ang init ng labi niya ng patuloy niya akong halikan. Hindi ko alam pero parang awtomatikong sinagot ko ang mga halik niya.

I kissed him back.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso niya sa bewang ko at pagyakap niya sa akin ng mahigpit habang sinasagot ko ang mga halik niya. I put my arms around his neck and he deepen the kiss. I felt his tongue seeking for the entrance in my mouth and I let him in. We taste each other's lips. Tila ba wala na kaming pakielam kung may nanonood ba sa aming dalawa.

Bakit ganito? Bakit pag dating sa lalaking 'to nanghihina ako? Na para bang kaya kong isuko ang lahat ng mayroon ako para lang makasama ang lalaking ito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Para akong pinapatay maisip lang na may iba siyang kahalikan bukod sa akin. Ganito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig? O sadyang ganito lang talaga ang epekto niya sa akin?

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon