Chapter Forty Three

597K 12.5K 1.8K
                                    

FORTY THREE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Pagmamahal.

Iyon ang pinanghahawakan ko ngayon. Wala na akong inaksayang oras pagkatapos akong kausapin ni Cedric. Si Greg na lang ang mahalaga sa akin ngayon, kahit sa huling pagkakataon. Makasama ko lang siya, maibigay ko lang sa kanya ang lahat dahil alam ko sa sarili ko na siya lang ang lalaking mamahalin ko ng ganito.

Marahan kong hinawi ang mga luhang patuloy na bumabagsak sa pisngi ko. Wala na akong pakielam kung anong oras na, basta sa huling pagkakataon makasama ko siya. Makapiling ko siya at masabi ko ulit sa kanya na mahal na mahal ko siya.

Masayang masaya ako ngayon, iyong ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko sa sarili ko na masaya ako. Na nararamdaman kong mahal pa rin niya ako at hindi niya ako matatanggihan dahil mahal ako ni Greg, mahal niya ako.

Nagbayad agad ako sa taxi driver at agad na bumaba nang nasa tapat na ako ng building kung saan tumutuloy si Greg. Agad akong pumasok pagkabigay ko ng I.D sa security guard at patakbong sumakay sa elevator. Naghintay lang ako ng ilang minuto at nang makarating sa floor ni Greg ay agad akong dumiretso sa unit niya.

Paulit ulit kong pinipindot ang doorbell ng unit niya pero walang sumasagot. Nagbabakasakali akong naroroon siya. Ito na ang huli kong pagkakataon at wala na akong dapat palagpasin pa.

Naghintay ako roon ng ilang oras. Ala una na ng madaling araw at wala pa rin siya. Wala pa ring Greg na dumadating. Ayokong mawalan ng pag-asa, alam kong darating siya. Alam ko sa sarili ko na makakausap ko pa siya at masabi ko sa kanya at maiparamdam ang lahat.

Naghintay pa ako ng ilang oras hanggang sa mag alas dos y media na ng madaling araw at wala pa rin siya. Nawawalan na ako ng pag-asa na makikita ko pa siya pero agad iyong nawala ng marinig ko ang pamilyar niyang boses.

"A—Ano pang ginagawa mo dito?" Matalim na tanong niya sa akin. Amoy alak siya at halatang nakainom, may pasa rin siya sa gilid ng labi niya na kanina naman ay wala. Gusot at magulo ang suot niyang polo shirt na puro mantsa ng dugo. Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang hagkan at gusto kong iparamdam sa kanya na nandito lang ako, nagmamahal sa kanya.

"Greg, ano'ng nangyari sa'yo?" Naiiyak kong tanong sa kanya. Ang makita lang siyang ganito, nasasaktan na ako.

"Wala kang pakielam." Mariin niyang sabi at tsaka ako itinulak para makapasok siya sa unit niya. He entered the code at agad na pumasok sa unit niya pero hindi ako nagpatinag at pumasok rin ako. Sinundan ko siya.

"Ano pa bang kailangan mo?! I—Itinaboy na kita!" Sigaw niya sa akin.

Gusto kong haplusin ang mga pasa niya sa mukha para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Para kahit sa huling pagkakataon ay mahawakan ko siya at maipadama na mahal na mahal ko siya.

"Greg, mahal kita. Andito lang ako, hindi kita iiwan." Sabi ko sa kanya at tsaka ako ngumiti sa kanya.

"Tangina, tinaboy na kita lahat lahat andito ka pa rin?! U—Umalis ka na! H—Hindi kita kaylangan!" Sabi niya sa akin. I looked at his eyes, he is not telling the truth. Because I could see that he needs me. He really needs me.

"Mahal na mahal kita, Greg." Iyon lang ang kaya kong sabihin. Ang paulit-ulit na sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya.

"B—Bakit ba Raisse? Bakit ka pa nandito? Bakit ba ayaw mo pa akong sukuan? Bakit ayaw mong tumigil? Bakit patuloy mo pa rin akong minamahal sa kabila ng mga sinabi ko sa'yong masasama? Raisse, itigil mo na 'to. Masasaktan ka lang kapag ako ang minahal mo, kapag pinagpatuloy pa rin natin 'to. Huwag mo na akong mahalin pa Raisse." He said then he broke. He cry.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon