Chapter Thirty Seven

553K 11.3K 1.9K
                                    

THIRTY SEVEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Bakit ba kasi kailangan n'yo pang magkaroon niyan?" Naiinis niyang tanong sa akin at tsaka siya sumimangot.

Gusto kong matawa sa inaasal niya dahil mas apektado pa siya kesa sa akin sa pagkakaroon ko ng dalaw. Kanina kasing umaga ay inatake ako ng dysmenorrhea at head ache kaya alalang-alala siya sa akin ngayon.

"Bakit ka ba naiinis? Di ba dapat ako 'tong mainis dahil ako ang nakakaranas ngayon? Aba, dinaig mo pa ang may monthly period ah." Sabi ko sa kanya.

"Kasi naman, score na kagabi naging bato pa." Narinig ko siyang bumubulong bulong pero hindi ko na pinansin 'yon.

"Ayaw mo bang lumabas? Last day na natin dito sa Palawan at babalik na tayo sa Manila." Sabi ko sa kanya.

"Ayoko, si Ced at Dana lang naman nakikita ko doon at naglalampungan pa. Naiingit lang ako." Sabi niya. Tumabi siya sa akin at pinaglaruan ang kamay ko.

"Kung buntisin na lang kaya kita? Para nine months kang hindi mahihirapan ng ganyan?" Bigla niyang sabi.

"Greg ha!" Hinampas ko siya ng mahina sa dibdib.

"Kasi naman, nahihirapan ka kapag may ganyan ka! Di ko alam pero parang pati ako nahihirapan kapag nakikita kang ganyan." Seryoso niyang sabi. Pinakatitigan ko siya at nararamdaman ko na nagsasabi siya ng totoo. Minsan talaga sweet si Greg pero mas madalas kasi na bastos ang bibig niya.

"Three days lang naman 'to Greggy boy. Masyado mo namang siniseryoso 'tong period ko at tsaka normal na sa amin 'tong mga babae. Kaya ikaw, 'wag mo pasasakitin ang ulo ko kapag mayroon ako, maliwanag?" Sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya na parang bata at tsaka pinagpatuloy ang paglalaro sa kamay ko.

"Pero kapag nabuntis ka titigil 'yan hindi ba?" Parang batang tanong niya.

"Oo." Kaswal na sagot ko sa kanya.

"Di bubuntisin na lang talaga kita para tumigil na 'yan at hindi ka mahirapan pa." Wala sa sarili ko siyang binatukan.

"Akala mo naman madali manganak? Kung ikaw kaya ang manganak?" Sabi ko sa kanya. Sumimangot lang siyang muli.

"Basta kapag kinasal na tayo, papabuntis ka ah?" Sabi niya. Buti na lang talaga at nandito kami sa kwarto ko sa bahay.

"Itikom mo na 'yang bibig mo Montemayor at baka may makarinig sa'yo sa labas." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ako titigil hangga't hindi ka nagpapromise sa akin." Umakbay siya sa akin.

"Bakit? Sure ka na bang ako ang babaeng pakakasalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman!" Walang pag-aalinlangan niyang sagot.

"Paano kung lokohin kita? Saktan kita?" Tanong ko sa kanya.

"Susubukan kitang intindihin, pero kung sakaling hindi kita maintindihan. Huwag kang susukong ipaintindi sa akin ang lahat. Hangga't mahal mo ako, 'wag mo akong susukuan. Aaminin ko na tanga ako minsan mag-isip kaya kung sakaling dumating na 'yong araw na 'yon. Tandaan mo na kahit niloko mo ako, mahal pa rin kita." Sabi niya.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Para bang sinabi niyang tatanggapin pa rin niya ako kahit na sinaktan ko siya.

"Nakakainis ka Greg!" Sabi ko sa kanya at tsaka ako yumakap sa kanya.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko Misis."

"Oo na!" Sabi ko.

"Para namang napilitan ka lang Misis." Sabi niya. Sinimangutan niya ako. Bakit ba napapadalas ang pagsimangot niya? Di naman siya cute.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon