Chapter Five

772K 15.5K 2.6K
                                    

FIVE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)    

Sinamaan ko siya nang tingin at ibinato sa kanya ang ilang fries na nasa harapan ko. Hayop na Montemayor na 'to at nagawa pa akong silipan.

"Baka may masilip sa'yo. Wala ka pa nga sa kalahati ng mga babaeng naikama ko na. Kung hindi ka pa nga magsasalita, mapagkakamalan na kitang lalaki eh." Pagmamayabang niya sa akin. Magkasakit sana siya! Damuho siya!

"Pakealam ko? Alam ko namang darating pa rin ang lalaking magmamahal sa akin despite of having a small boobs." Inirapan ko siya sabay kagat ulit sa burger ko. Nawawalan ako ng gana kumain dahil sa demonyong 'to eh. Kung hindi lang talaga ako gutom kanina ko pa sinaksak sa lalamunan niya ang kinakain niya nang mamatay na siya!

"Sus, naniniwala ka na may lalaki pang darating sa buhay mo?" He said in a very sarcastic tone.

"Oo, bakit? Hayaan mo, kapag dumating na ang lalaking tatanggap sa akin ng buong-buo, ipakikilala kita nang masapak ka naman niya sa mukha."

"Baka nga wala pang magkagusto sa'yo at ligawan ka."

"Ha! Baka kainin mo lahat ng sabihin mo? Baka nga mamaya ikaw pa manligaw sa akin." Inismiran ko siya. Akala mo naman ang pangit ko! Para sabihin ko sa kanya, Dyosa ang Nanay ko kaya Dyosa rin ako!

"Ako? Manliligaw sa'yo? Baka maligaw naman ako ng landas kapag niligawan kita." Sabi niya sabay hagalpak ng tawa.

"Manahimik ka na nga lang! Wala naman akong mapapala kapag kausap kita. Buti pa si Miquel matinong kausap." Na-miss ko tuloy si baby Miguel. Hindi ko kasi siya nakita kanina dahil may klase pa siya at ayoko namang magpahalata na may gusto ako sa kanya dahil baka layuan niya ako.

"Gusto mo si Miguel, ano? Sus, baka patulan ka noon. Wala ka pa nga sa kalingkingan ng girlfriend niya." Bigla akong natigilan. 

"Girlfriend? Sino?" Naintriga tuloy ako. Alam ko kasi walang girlfriend si baby Miguel dahil hinihintay niya pa ako.

"Tara lapit ka rito, bubulong ko sa'yo." Sabi niya sa akin, at dahil sa gusto kong malaman kung sino ang girlfriend ni Miguel ay lumapit ako sa kanya.

"Lapit ka ng konti, bubulong ko sa'yo." Inilapit ko ang tenga ko at handa ng makinig sa sasabihin niya ng bigla niya akong halikan sa pisngi.

"Montemayor!" Tumakbo naman si Greg sa kwarto niya at hinabol ko siya. Lintik lang ang walang ganti!

"Siraulo ka! Sino'ng nagsabi sa'yo na halikan mo ako? Hah?! Hayup ka!" Dinamba ko siya sa kama niya at pinagsasakal siya.

"M—arquez1 H--Hindi ako makahinga!" Nahihirapan niyang sabi niya. Nakagadagan ako sa kanya, o mas magandang sabihin ko na nakaupo ako sa tiyan niya at sinasakal siya para mamatay na siya!

"Dapat lang sa'yo 'yan! Gago ka!" Sabay sakal ko ulit, pero sa isang iglap ay nagkapalit kami ng pwesto. Siya na ngayon ang nasa taas and he is pinning my arms so I could not move. Bigla akong napatitig sa kanya, his eyes. Ang mga berde niyang mata na parang nangungusap at may gustong sabihin. 

"Raisse." He said in a husky voice. Agad ko siyang itinulak ng pagkalakas-lakas.

"Isa pang gawin mo ulit 'yon, I'll make sure na hindi lang 'yan ang matatanggap mo." Binato ko siya ng unan at nasambot niya lang 'yon.

"Sus, kunwari ka pa. Gusto mo ituloy natin dito sa kwarto? You know, tayo lang dalawa ang nandito at medyo nabitin ako kanina sa babae ko." Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha niya. Manyak talaga kahit kailan 'tong Montemayor na 'to.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon