Chapter Ten

698K 15K 1.4K
                                    

TEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Montemayor!" Nagulat ako ng bigla siyang matumba at mapayakap siya sa akin.

"You're burning! May sakit ka!" Ramdam na ramdam ko ang init ng buo niyang katawan dahil nakayakap siya sa akin.

"D—Don't leave. I—I need you—." Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil tuluyan na siyang bumigay. Pinilit kong kayanin ang bigat niya kahit na nahihirapan na ako. Nagpatulong ako sa dalawang lalaking dumaan upang dalhin siya papasok sa loob. Buti na lang at hindi naisara ni Greg ang pinto dahil hindi ko pa alam ang bago niyang pass code. Ayaw niya kasi ng de susi dahil nawawala niya lagi iyon.

Nagpasalamat ako sa dalawang lalaki pagkaalis nila. Sila na ang nagpasok kay Greg sa kwarto niya para hindi na ako mahirapan pa. Kumuha agad ako ng maligamgam na tubig at malinis na towel sa cabinet niya. Basa na ng pawis ang buo niyang katawan dahil siguro sa init ng katawan niya. Pilit kong hinubad ang suot niyang sando at hindi naman ako nahirapan doon. Pinunasan ko ang mukha niya at katawan niya na basa ng pawis.

"D—Daddy." He groaned. Marahil ay hinahanap niya ang kanyang ama.

Pinunasan ko ang buong parte ng katawan niya at masasabi kong perkpekto ang pagkakahubog nito. Hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa six pack abs niya at sa dibdib niya. Inaamin ko na mas lamang si Greg kay Miguel but unlike Miguel. There's something special when it comes to Greg. Yes, he is undeniably jerk. But there's something on him na hindi ko maipaliwanag.

"M—Marquez?" Nagmulat siya ng mata.

"Nilalagnat ka, magpahinga ka muna." I said. Isinuot ko ang damit na kinuha ko kanina sa cabinet niya pagkatapos ko siyang punasan. Mataas ang lagnat niya at kaylangan niya ng gamot. Wala naman akong nakitang first aid kit sa unit niya.

"S—Saan ka pupunta? A—Alis ka ba? Iiwan mo ba ako?" Hinawakan niya ang kamay ko ng tumayo ako. Umupo ulit ako sa gilid ng kama at tinignan siya. Iba pala siya kapag may sakit. Ang bait.

"Ibibili kita ng gamot, masyadong mataas ang lagnat mo at 'wag kang mag-alala. Kunsensya ko pa kapag namatay ka kaya hindi kita iiwan." Marahan kong hinaplos ang buhok niya ng ilang ulit para pakalmahin siya. Natutunan ko iyon sa nanay ko. Hinahaplos niya ang buhok ko kapag may lagnat ako, natatakot ako at bago ako matulog.

"T—Talaga? S—Sabi mo 'yan. H—Hindi mo ako iiwan." Nahihirapan niyang sabi. Para pala siyang bata kapag may sakit. Ayaw na iiwanan siya.

"Oo, kaya hintayin mo ako dito. Okay? Bibili lang ako ng mga kaylangan mo." Hinaplos ko ulit ang kanyang buhok pati na rin ang kanyang mukha. It's perfect.

"B—Balik ka agad. H—Hindi mo ako iiwan." Sabi niya.

"Hindi kita iiwan." I said. Tumayo na ako at lumabas ng unit niya. Agad akong pumunta sa ibaba para maghanap ng botika pero wala akong makita. Nagtanong tanong ako hanggang sa makarating ako sa isang tindahan. Bumili ako ng gamot para sa lagnat at sa ubo at sipon na rin. Bumili rin ako ng ingredients para sa sopas. Tsaka ko na lang siya sisingilin kapag magaling na siya.

Pinainom ko agad siya ng gamot pagkatapos kong bumili. Kakakain pa lang naman niya kaya ayos lang iyon. Hindi pa rin nababa ang lagnat niya kaya nilagyan ko siya ng basang towel sa noo.

"B—Bumalik ka." Nagmulat ulit siya ng mata.

"Matulog ka na, mataas pa ang lagnat mo. Bababa 'yan kasi pinainom na kita ng gamot." Paulit ulit kong hinaplos ang buhok niya.

"A—Ayoko, b—baka umalis ka." Sabi niya. Ang kulit naman nito at kahit may lagnat ayaw paawat.

"Hindi nga sabi, babantayan lang kita." Sabi ko. Pero ayaw pa rin niyang ipikit ang mga mata niya.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon