Chapter Twenty Three

667K 13.8K 1.7K
                                    

TWENTY THREE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Namumuro ka na sa akin Greg Joseff Montemayor! Di ba pinagsabihan na kita? Usapan natin, kailangan mong umuwi ng rancho kahit isang beses sa isang buwan! Pero ano? Halos tatlong buwan kang hindi nagparamdam! Sinasabi ko sa'yo, kapag nalaman ko lang talaga na may ginagawa kang kalokohan sa Maynila! Pauuwiin kita dito!" Nakatingin lang ako kay Greg at sa Daddy nito na kanina pa siya pinagsasabihan. Natatawa na nga ako dahil tiklop pala siya sa Daddy niya.

"Daddy naman, nandyan 'yung asawa ko. Huwag mo naman akong ipahiya." Narinig kong sabi ni Greg. Agad naman tumingin sa akin si Tito Paul.

Katulad ni Greg, gwapo rin si Tito Paul. Kamukhang kamukha siya ni Greg sa lahat ng angulo pero sa mata lang sila nagkaiba. Kulay green kasi ang mata ni Greggy boy samantalang si Tito Paul naman ay dark brown.

"H—Hindi po niya ako asawa." Sabi ko ng umiiling. Patay talaga sa akin si Greg mamaya.

"Oo nga, hindi niya ako asawa. Pero asawa ko siya Dad." Sabi ni Greg.

"Ganoon ba 'nak? Siya ba 'yung kinukwento mo sa akin na pinopormahan mo pero hindi ka type?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ng daddy niya habang nanlaki naman ang mata ni Greg sa sinabi ni Tito Paul.

"Dad!"

"Siya rin ba 'yung sinasabi mo sa akin na matagal mo ng gusto pero hindi ka makaporma? Ang ganda naman pala ng taste mo 'nak, mana kay daddy." Sabi ng Tito Paul sabay kindat at ngiti ng nakakaloko katulad ng kay Greg.

"Dad! It's a secret!"

"Aba, secret pala 'yon? Wala na 'nak, nasabi ko na eh. Ano nga ulit ang pangalan mo? Raisse?" Nagulat ako sa sinabi ni Tito Paul. Bakit alam niya ang pangalan ko?

"O—Opo, Raisse Miracle po." Sabi ko. Buti na lang talaga tatlo lang kami dito sa terasa sa kwarto ni Greg.

"Ah, kaya pala milagro at nagsama ng babae 'tong anak ko dito sa rancho. Akala ko nga bading na eh, kung hindi ko lang nakita 'yung kabalastugan niya sa cellphone niya mapagkakamalan ko na talagang bading 'tong anak ko." Gusto kong matawa sa sinabi ni Tito Paul pero baka mas lalong magalit si Greg na ngayon ay pulang pula na ang mukha dahil sa sinabi ng Daddy niya.

"Dad! Hindi ako bading! At kaya hindi ako nagsasama ng babae dito sa rancho, dahil wala naman akong gustong isama dito kung hindi ang babaeng mahal ko lang!" Bigla akong natigilan sa sinabi ni Greg. Napatitig ako sa kanya ng wala sa oras dahil sa sinabi niya.

Dahil wala naman akong gustong isama dito kung hindi ang babaeng mahal ko lang.

Mahal ako ni Greg? Mahal na niya ako?

"Ohh. Sige, mukhang may hindi ako alam dito. Iiwan ko muna kayo, ikaw 'nak. I'm so proud of you. Hindi na kita baby boy, galingan mo dito kay Raisse ah? I like her for you. Basta pagkatapos n'yo diyan sumunod na kayo sa baba, okay?" Sabi ni Tito Paul at tsaka kami iniwan.

Biglang binalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid namin. Wala ni isa ang nagsasalita sa amin at hindi siya nakatingin sa akin pero nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Para bang nalunok ko ang dila ko at hindi ako makapagsalita.

"Pambihira naman! Si Dad kasi ang kulit!" Doon lang ako natauhan ng magsalita na siya.

"Nadulas pa ko, 'tangna!" Sabi pa niya sa hangin. Napakunot lang ako ng noo.

"Humarap ka nga sa akin Montemayor." Sabi ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin habang magkasalubong ang kilay niya.

"Ano?!" Sigaw niya sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon