Chapter Thirty Eight

535K 9.9K 1.4K
                                    

THIRTY EIGHT

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Captain, tignan mo 'yon. Hindi ba siya 'yong babaeng tiga Palawan rin na sabi mong nag-aaral sa Manila?" Napalingon naman ako sa direksyon na itinuturo ni Dana.

It's her, Lavenia.

Nagulat ako dahil tinotoo pala niya ang sinabi niyang mag tatransfer siya sa St. Tomas. Balita ko ay magdadalawang lingo na itong nakapag transfer sa school pero ngayon ko lang siya nakita at doon ko lang din nakumpirma na lilipat nga ito ng school. Nakangiti ito na para bang kakandita sa eleksyon. Biglang nagtama ang mga mata namin ni Lavenia. Lumapit ito sa pwesto namin ni Dana. She even waved while smilling very wide.

"Hi, it's you. You didn't tell me na ang dami pa lang gwapo dito sa school n'yo. I am so surprised." Sabi niya pagkalapit niya sa pwesto namin ni Dana.

"Captain, ang arte niya magsalita ha." Bulong sa akin ni Dana. Ngumiti lang ako ng tipid.

"Nagulat ka ba na nandito ako sa school n'yo? Siguro naman narinig mo nang may transferee ?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang may kahulugan ang mga ngiting ibinibigay niya sa akin.

"Ah—Medyo, akala ko kasi nagbibiro ka lang." Sagot ko sa kanya. Nasa may canteen kami ng school at may klase pa si Greg at Ced kaya hindi namin sila ngayon kasabay.

"Actually, may cousin kasi ako na nag-aaral dito kaya dito na rin ako mag-aaral." Sabi niya sa maarteng tono. Tumango na lang ako at siya naman ay parang may hinahanap.

"Ah Raisse, nasaan si Greg? Bakit hindi mo ata siya kasama?" Tanong niya.

"May klase pa siya, mamaya pa kami magkikita." Sagot ko sa kanya.

"Ah, ganoon ba? Iimbitahan ko sana siya sa welcome party para sa akin." Diretso niyang sagot sa akin.

"Siya?" Gulat na tanong ni Dana.

"I mean, kayo pala." Sabi niya sa akin sabay ngiti.

"Ah, hindi ko lang sigurado. Ang alam ko kasi ayaw ni Greg sa mga party." Sagot ko sa kanya.

"Oh? Sayang naman, tsaka minsan na lang naman tayo magkasama. Parang wala naman tayong pinagsamahan niyan Raisse. Magkababata naman tayo ah? Sige na, sumama na kayo. For sure mag-eenjoy kayo roon." Sabi niya.

"Ano kasi, hindi ko lang sigurado. Kakausapin ko muna si—"

"Kung gusto mo ako na ang kakausap kay Greg para diyan? Kaklase ko naman siya sa susunod na subject." Ngumiti ulit siya ng makahulugan.

Bigla ay nakaramdam ako ng selos at kaba sa sinabi niya. Sinadya niya bang maging magkaklase sila ni Greg?

"T—Talaga? K—Kaklase mo siya?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti ulit siya, pero sa pagkakataong ito. Ang ngiti niya at ang sinabi niya ay mas makahulugan.

"Yes, balak ko kasi siyang agawin sa'yo." Sabi niya sabay tawa ng nakakaloko.

Magsasalita na sana ako ng magsalita na siya. "Biro lang! Hindi ako marunong mang-agaw eh, sila kusang nalapit." Sabi niya sa akin.

Walang nakaimik sa amin ni Dana. Pero sa loob loob ko, kinakabahan ako ng hindi ko alam kung bakit. Parang may mangyayari at parang dapat maging handa ako.

"See you later Raisse." She said before she left.

"Captain hindi ko siya feel! Ang landi niya, hanggang dito nakasunod siya sa'yo? Wow ha!" Sabi ni Dana sa tabi ko.

"Dana, may napansin ka bang kakaiba sa kanya?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman Captain? Bakit?" Tanong ni Dana. I just shook my head.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon