Chapter Six

707K 15.1K 922
                                    

SIX

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Ang sungit mo." Puna ko sa kanya. Kanina pa kasi magkasalubong ang mga kilay niya habang nagmamaneho. Simula ng hinatak niya ako sa school hindi na maganda ang timpla niya. Parang may bumabagabag sa kanya na kung ano. Baka naman nakabuntis na siya kaya ganyan.

"Manahimik ka na lang d'yan." Masungit pa rin niyang sabi sa akin. Nagsalubong naman ang mga kilay ko. 

"Ano bang problema mo? Kanina ka pa masungit diyan at pati yung lalaking gustong tumulong sa akin kanina, sinungitan mo na. Gusto lang tumulong ng tao pero kung umasta ka akala mo binili mo buong mall." Napaka ng lalaking 'to! Kung wala lang talaga akong atraso sa kanya, matagal ko na siyang sinipa nang malakas!

"Tsk." Iyon lang ang sinagot n'ya sa akin at itinutok na ulit ang sarili sa pagmamaneho.

"May problema ka ba Montemayor?" Tanong ko ulit.

"Wala!" Sagot niya sa akin.

"Nakipag-break sa'yo yung girlfriend mo, ano?" Humarap na ako sa kanya. Para naman kasi akong nasa sementeryo kanina at napakatahimik. Hindi ako sanay na tahimik ang isang 'to eh.

"Marami akong babae at wala akong pakealam kung makipagbreak sila sa akin. Katawan lang naman nila ang habol ko sa kanila at katawan ko lang din ang gusto nila. Pare-parehas lang kaming nasasarapan sa mga ginagawa namin. Pero sa akin walang mawawala sa kanila meron." Natigilan ako sa sinabi niya. Jusko, kung pwede lang patayin lahat ng lalaking tulad ng gagong 'to, ginawa ko na!

"Eh ano ang problema mo? Bakit kanina ka pa nagsusungit?" Tanong ko.

"It's not your business anymore, at pwede ba? Could you please shut your mouth!" May topak ata 'tong gagong 'to eh. Parang nagtatanong lang ang sungit! 

Prente kong isinandal ang likod ko sa upuan. Ipinatong ko rin ang paa ko sa unahan at ilinagay ko ang dalawa kong kamay sa likod ng ulo ko. Gusto ko nang matulog pero wala naman akong magagawa dahil impakto ang lalaking kasama ko ngayon at ayaw ako tantanan.

"Alam mo Montemayor, darating din 'yang araw mo. Yung iiyak ka dahil sa sarili mong kagagawan." Pag-uumpisa ko. Gusto ko lang ipamukha sa kanya na hindi lahat nasa kanya, na hindi niya pwedeng makuha ang lahat. Di porket mayaman siya, guwapo, matalino. Kaya niya ng kunin ang lahat.

"What were you saying?" Nakataas ang kilay niyang tanong sa akin.

"True love." Simple kong sagot sa kanya. Kinuha ko ang isang chocolate bar na nakalagay sa parang box sa unahan.

"Seriously? Naniniwala ka sa true love?" Sarkastikong tanong niya.

"Oo. Naniniwala ako sa true love. Kahit papaano babae pa rin ako." I said, sabay kagat sa chocolate ko na chocolate niya.

Tumawa siya ng pagak bago magsalita. "Isa ka rin pala sa mga babaeng naniniwala na may darating na lalaki sa kanila na magmamahal sa kanila ng totoo." Umiling iling pa siya.

"At bakit? Masama? Alam mo ba na sa panaginip ko na basketball player ang magiging asawa ko?" Tumawa lang siya ng mahina.

"Baka ako naman 'yan. Kunwari ka pa kasing walang gusto sa akin. Napapanaginipan mo na tuloy ako." Ang kapal talaga ng pagmumukha ng unggoy na 'to.

"Hindi ah. Imposible ngang ikaw 'yun kasi sa panaginip ko mabait siya, gentleman, macho, at alam kong pogi siya." Kinikilig kong sabi sa kanya.

"Umaasa ka na may ganoon talagang lalaki?" Tanong niya. Siguro wala na rin siyang magawa kaya kinakausap niya na rin ako. Achievement nga dahil hindi ata kami nagbabayangan ngayon.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon