Chapter Thirty Four

0 12.2K 936
                                    

THIRTY FOUR

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Misis naman—"

"Ano magrereklamo ka? Akala ko ba gusto mong patawarin kita?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo na! Hindi na!" Pasigaw niyang sagot sa akin sabay kuskos ng damit na pinapalaba ko sa kanya. 

I smirked. Umpisa pa lang naman 'yan Montemayor. Papahirapan pa kita ng bongga.

Sino bang mag-aakala na ang isang machong pogi na si Greg Joseff Montemayor ay pinaglalaba ko lang? Tinignan ko siya, wala siyang suot na pang-itaas at tanging jersey shorts lang ang suot niya habang hirap na hirap na kinukusot ang mga maruruming damit ko pati na rin ang sa kanya. Iyon kasi ang pinagawa ko sa kanya, tutal ay wala namang pasok. Pinadala ko sa kanya lahat ng damit niyang marurumi at nagulat ako na sobrang dami pala. Ayan, siya ngayon ang magdusa.

"Kapag talaga natapos 'to, hindi ko titigilan 'yang labi mo. Pamamagain ko 'yan." Narinig ko siyang bumubulong bulong.

"Ano'ng sinasabi mo diyan?" Mataray na tanong ko sa kanya. Hindi naman siya bubuyog pero bumubulong.

"Sabi ko ang ganda mo!" Sabi niya. Bigla ay para namang namula ang mukha ko sa sinabi niya sa akin.

"M—Maglaba ka na nga lang diyan!" Sabi ko at tsaka ko siya tinalikuran. Baka mamaya kung ano pa ang sabihin siya, knowing Greg.

Sabado ngayon at wala kaming klase ngayong araw pati na rin bukas. Ngayon ang unang araw ng pagpapahirap ko sa kanya. Ipapagawa ko sa kanya ang mga hindi niya ginagawa simula pagkabata niya ng makaranas naman siya ng hirap at para na rin masubukan kung gaano siya katatag.

Greg is really persistent. Alas singko pa lang ng madaling araw ay nandito na siya, may dala rin siyang breakfast na binili niya sa isang fast food chain. Alas otso na ng umaga pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tapos sa paglalaba. Dapat siyang magdusa muna bago ko siya patawarin.

I looked at him again. Nakakunot ang noo niya na halatang naiinis at nahihirapan sa ginagawa niya. Wala sa sarili na naman akong napangiti.

Ang macho niya pero parang paglalaba lang ng damit hirap na siya? Poor Greg.

Isang oras pa ang lumipas at natapos din siya sa paglalaba. Naisampay na rin niya ang mga labahin sa labas ng maayos.

"Woah! Tangna, nakakapagod pala maglaba!" Sabi niya at tsaka umupo na para bang pagod na pagod.

Tumaas ang kilay ko. Pagod na agad siya? Wala pa nga sa kalahati ang ipapagawa ko sa kanyang pagpapahirap tapos pagod na siya? Aba, aba.

"Mister, buti naman at tapos ka na maglaba. Kanina pa kasi ikaw hinihintay ng banyo ko at gustong gusto ng malinis gamit ang mga kamay mo." Sarkastikong sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko.

"A—Ako? M—Maglilinis ng banyo?" Tanong niya sa akin na para bang ikamamatay niya kapag naglinis siya ng banyo.

"Oo, bakit? Aangal ka? Sabihin mo lang ng makaalis ka na dito sa apartment ko." Sabi ko sa kanya. I crossed my arms in my chest then I raised my eyebrow on him.

"H—Hindi ah! Parang iyon lang, ang dali dali naman!" Sabi niya at tsaka tumayo at tumungo sa banyo ko. Pilya akong napangiti.

Ilang minuto lang naman ang lilipas at maririnig ko na ang pagrereklamo niya. Ang arte arte pa naman niyang lalaki.

Nagpunta na lang ako sa kusina ng apartment ko kung saan malapit lang ang banyo ko at tanaw na tanaw ko siya. Tahimik lang siyang nakaluhod at nagkukuskos. Pawisan na rin siya at halatang hirap na. Bigla naman akong naawa sa kanya pero paninindigan ko ang mga pagpapahirap ko sa kanya. Kung totoo talagang humihingi siya ng tawad, hindi siya susuko at iyon ang gusto kong malaman.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon