Chapter Nineteen

720K 15.6K 3.1K
                                    

NINETEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa taong nakatayo ngayon sa harap ko. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko siya.

I was stunned.

"Pagod ako." Sabi niya sa akin at tsaka pumasok ng tuluyan sa loob ng apartment ko. Doon lang bumalik ang katinuan sa sarili ko.

"H—Hoy! Sinong may sabing pumasok ka diyan?!" Sigaw ko sa kanya. Pero huli na, nakapasok na siya.

"Napagod ako kanina sa laro, kaya dito na lang ako matutulog." At tsaka siya tuloy tuloy na pumasok sa kwarto ko.

"Montemayor!" Agad ko siyang sinundan pero pagpasok ko sa kwarto ko nakahiga na siya at yakap pa ang unan ko. Tinignan ko ang bag niya na basta na lang niyang inihagis sa kung saan, agad ko siyang tinignan pero napahinto ako.

His eyes were both closed and he looks very peaceful. Bigla akong natigilan dahil nararamdaman ko na naman ang naramdam ko noong hinalikan niya ako.

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

I looked at him again, and I should admit that I like him. Yes, I do like him pero wala akong balak sabihin sa kanya 'yon. I know him, he is a Montemayor.

He likes me and I like him too. It's means, our feeling is mutual.

Gwen.

Doon lang ako bumalik sa sarili kong pagpapantasya. Si Gwen ang girlfriend niya at paano ito? Sigurado akong masasaktan siya kapag nakipaghiwalay si Greg sa kanya. Kung hindi ba naman kasi gago ang lalaking 'to at ayaw magpakatino sa buhay. Lahat na yata ng kagaguhan nasa kanya eh, pulos kalokohan ang alam!

"Kapag hindi ka tumayo sa loob ng isang segendo, mawawalan ka ng pagkalalaki." Mariin kong sabi sa kanya.

He groaned.

"Patulugin mo naman ako, hindi mo ba nakikita na pagod ako?" Sabi niya habang nakapikit at mahigpit na yakap yakap ang unan ko.

"At bakit dito ka sa apartment ko matutulog?!" Inuubos na naman ng Montemayor na 'to ang pasensya ko.

"Ganun talaga kapag mag-syota, papatulugin ni girlfriend si boyfriend sa kwarto niya so they could make babies." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Anong babies ang sinasabi mo diyan?!" Sigaw ko sa kanya. Doon na siya napaupo at tinignan ako ng masama. Kinamot niya ang ulo niya na parang naiinis.

"Misis naman, patulugin mo naman ako. Kanina pa ako pagod na pagod! Tsaka hindi mo ba ako na-miss? One week kitang tiniis tapos ako hindi mo ako na-miss. Kaya nga kita hinalikan kanina ng ilang ulit dahil miss na kita!" He pouted. Bigla ay parang namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Huwag ka ngang ngumuso! Nagmumukha kang bibe!" Bwisit na lalaking 'to. May nalalaman pa siyang pagtitiis at miss!

"Misis—"

"Huwag mo akong matawag-tawag na Misis, Montemayor! Kahit kaylan hindi mo ako magiging Misis!"

"Weh? Nagpahalik ka nga sa akin eh." Ngumiti siya ng nakakaloko.

"H—Hindi ko alam a—ang sinasabi mo!" Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Hindi nga? Aminin mo, ang sarap ko humalik 'no?" Sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.

"T—Tumigil ka nga diyan!" Bakit ba ako nagpapaapekto sa Montemayor na 'to? Kiss lang naman 'yun ah!

French kiss sabi ng kabilang bahagi ng isip ko.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon