Chapter Eighteen

645K 14.2K 1.7K
                                    

EIGHTEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Hi Ms. Cleavage!"

Napatulala ako sa pagsulpot ni Andrew sa harap ko. He's smilling from ear to ear. His body is sweating because of the play, but despite of it. He looks very hot when his muscular body is wet. I gulped the lump formed in my throat. He is a total package, I guess.

"W—What is it?" I asked. Damn, did I stammered?

"Did you see my three point shot? It's for you!" He said while smilling like a high school boy.

"At bakit?" Mataray kong tanong sa kanya. I could see the deadly stares they were giving to me.

"Ang sungit mo naman. It's for you because you're the reason why I played with them. You know, binigyan mo ako ng masarap na hilot." He winked at me. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Pakielam ko sa three point shot mo? Makakain ko ba 'yun?" I raised my eyebrow. Hindi ko naman siya gustong tarayan pero kapag hindi ko ginawa 'yon, baka mamaya may mang-salvage na lang sa akin dahil sa lalaking ito. Kay Greg pa nga lang, ang dami ko ng natanggap na death threats. Dito pa kaya sa Sy na 'to?

"Yeah, may iba pa namang three point shot akong pwedeng ibigay sa'yo na pwede mong kainin. You know." Then he did his famous wink again. Nanlaki ulit ang mata ko sa sinabi niya. Alam ko ang tinutukoy niyang three point shot na 'yan at alam ko ang galaw ng mga bituka niya. Kagaya ni Greg.

Agad akong napatingin sa likuran niya kung naroroon pa si Greg, pero wala na ito. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong court pero wala akong nakitang Greg. Marami pa ring tao sa loob ng gymnasium at karamihan doon ay nagpapapicture sa mga basketball players.

Nagulat ako ng biglang dumugin si Andrew ng mga babae at pilit na nagpapapicture. I smirked. Karma is karma, buti nga sa kanya! Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Inilibot ko ulit ang mata ko sa paligid para hanapin si Dana, pero wala akong nakita kahit anino niya.

Hindi pa ako nakakalayo sa gymnasium ng may matigas na braso ang umakbay sa akin at ng tignan ko kung sino ang nagmamay-ari noon, ay walang iba kung hindi si Andrew Marcus Sy.

"Sorry girls, muntik ng mag-walk out ang girlfriend ko. Selosa kasi siya kaya ayaw niyang may iba akong babaeng kasama. I love her, so please try to understand the situation." Nanlaki ang mata ko sa sunod sunod na sabi ni Andrew. Sisigaw na sana ako ng biglang dumampi ang malambot niyang labi sa pisngi ko. I felt the adrenaline rush to my veins because of what he did.

"See? Namula tuloy 'yung girlfriend ko. Mauna na kami, okay? May date pa kami. Bye girls." He said. Hindi ako makapagsalita, hindi ako makagalaw. Because for the firstime, may ibang lalaking humalik sa pisngi ko maliban kay Greg.

Namalayan ko na lang na dinala niya ako sa fire exit ng gymanasium na walang katao tao. Walang pag-aalinlangang sinapak ko siya sa mukha ng malakas.

"Shit!" Napasigaw siya sa sakit dahil sa ginawa kong pagsakapak sa mukha niya.

"You deserve that! Hindi ako isang pick up girl para gawin mong girlfriend kung kaylan mo gusto. At hindi rin ako isang babaeng desperadang magkagirlfriend ng isang antipatikong manyak na tulad mo!" Sigaw ko sa kanya. Ayoko pa naman sa lahat 'yung bastos ang bibig, yung literal na bastos.

Si Greg?

Bigla akong natigilan. Bakit ba bigla bigla na lang siyang papasok sa isipan ko? Iba siya kesa sa lalaking ito! Si Greg kilala ko, ito hindi!

"Akala ko katulad ka lang nila." He said while wearing a smirk. I was stunned when I saw blood in his lips. I hitted him really hard.

"Do not underestimate me Mr. Andrew Marcus Sy." I said seriously while looking at him, fiercely.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon