Chapter Four

756K 15.8K 3.6K
                                    

FOUR

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)    

"Ah—shit!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Nandito ako ngayon sa condo ng hinyaupak na Greg na iyon dahil tinawagan niya ako kanina at sinabing pumunta raw ako sa unit niya dahil may ipapagawa siya sa akin at may inutos din s'ya kaya ako nandito.

"G—Greg, p—that's it—Ahhh!" Narinig ko na naman ulit ang kakaibang ungol na nanggagaling sa kusina. Kinabahan ako dahil never pa akong nakakita ng bed scene sa totoong buhay, pero kailangan kong makumpira kung ano nga ba ang nasa isip ko. Dahan-dahan akong sumilip sa kusina and there I saw them doing something gross! Nakahiga sa kitchen counter ang babaeng kanina pa ungol nang ungol habang si Greg naman ay may ginagawang kababalaghan. The girl was totally naked, habang si Greg naman ay may suot pa rin na sando pero walang pang-ibaba. Agad akong umalis at pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko sa nasaksihan ko.

"Jusko, ano ho ba ang nagawa kong kasalanan para parusahan niyo ako ng ganito?" Halos maiyak kong sabi. Walang hiya talaga ang Montemayor na iyon! Wala na talagang pinalagpas!

"Ohhhh! T—that's it! F—faster!" Tinakpan ko ang mga tenga ko para hindi ko na lang sila marinig. Gustong-gusto ko silang buhusan ng tubig para malaman nilang may tao rin dito at hindi lang sila ang naririto. 

Girls must be in control of their bodies because boys are not. 

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa libro ko, kakatapos lang kasi ng klase ko kaya dito na ako dumiretso nang matanggap ko ang tawag niya. Ayokong isipin kung ano na ang ginagawa nila sa loob, pero tiyak akong kababuyan lang ng Montemayor na 'yon ang pinapairal niya. Sana makabuntis siya ng babae para magtino siya! Hindi rin naman ako makapaniwala sa mga babaeng nabibiktima niya, hindi naman porket guwapo siya at talagang may maipagmamalaki ay basta basta na lang nila ibibigay ang katawan nila sa mga lalaking gustong tumikim sa kanila. Sana makarma 'yang Montemayor na 'yan sa mga pinaggagagawa niya! Ako talaga ang unang matutuwa kapag nangyari iyon!

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na rin silang dalawa, kitang kita ko pa ang pag-aayos ng babae sa suot niya pagkalabas nila. Kita ko rin ang gulat niyang mukha ng makita niya ako.

"Who are you?" Mataray na tanong sa akin ng babaeng kalampungan ni Greg. She's absolutely sexy and beautiful. Hindi rin pala basta basta ang pinipili ng Montemayor na 'yon, siguro kung tatanungin kung ano siya sa society na 'to, first class prostitute siya.

Nakita ko namang lumabas sa likod niya si Greg wearing only his boxer brief! Napaiwas agad ako ng tingin nang makita ko siya at pakiramdam ko ulit lalo pang namula ang mukha ko. He is really sexy at talaga namang may maipagmamalaki ang loko, his fitted body, toned chest, and his skin? I could say na mas makinis pa siya sa babae.

"Magsuot ka nga muna ng short!" Sigaw ko sa kanya. Pinilit kong hindi tumingin sa kanya. Baka kasi asarin lang niya ako at sabihing gusto ko naman makita which is sort of true.

"Ang prude naman nito! Makikita mo rin naman ito someday." Nangilabot ako sa sinabi niya. Ano'ng akala niya sa akin? Papatulan ko siya? No way!

"Sino ba siya baby Greg?" Baby daw? Ang laki niya ngang damulag tapos baby? Jusko ha!

"She's my girlfriend, hayaan mo lang 'yan tanggap niya na nagtataksil ako sa kanya—ARAY!" Hindi ako nakapagpigil at binato ko siya ng libro kong hawak. Buti rin at nagsuot na siya ng shorts dahil talaga namang paghuhubarin ko na siya nang tuluyan at paglalakarin sa gitna ng EDSA!

"Alright baby Greg, I really need to go. Call me if you want me to pleasure you again." She gave him a seductive wink. Iyong tipong may kasama pang nga nga. Pasukan ko 'yan ng bola ng basketball eh! Lumabas din naman agad siya at agad akong bumaling kay Montemayor.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon